ni Julie Bonifacio @Winner | May 17, 2024
Binigyan ng ibang kahulugan ang pagkakaospital ni Julia Barretto kamakailan. Buntis daw si Julia kaya naospital, ‘yan ang tsika ng mga netizens sa comment section ng post ng anak ni Marjorie Barretto.
Ishinare kasi ni Julia sa kanyang Instagram ang ilang larawan na kuha sa loob ng kanyang hospital room, kabilang na ang bunch of mixed colored roses na nakapatong sa lamesa.
Caption ni Julia, “Discharged and finally home. Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days. Thank you for the long hours of hard work. A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority. Sending good energy!”
Sa comment section ay nag-react ang younger sister niya na si Claudia Barretto.
“I love you so much Jul (Julia),” sey ni Claudia.
Nag-“wan-plus-wan equals two” agad ang mga netizens sa dahilan ng pagkakaospital ni Julia.
“Ay, beh, buntis. Mabuti ‘yan kaysa hindi magka-baby, awwws.”
“@claudia Ano'ng nangyari sa ate mo? Ano'ng sakit n’ya? Okay lang ba s’ya?”
May nagtanggol naman kay Julia na mga followers n’ya. Katwiran nila, ‘pag naospital, buntis agad?
Hindi nga naman porke't may boyfriend si Julia na si Gerald Anderson, nagdadalantao na kapag dinala sa ospital.
Sa sobrang busy ni Julia ngayon, ‘di naman kataka-taka na maospital siya dahil bumigay ang katawan niya sa pagod.