ni Julie Bonifacio @Winner | June 9, 2024
Ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang Instagram kahapon ang mahihirap na karanasang pinagdaanan niya bago isilang ang first baby nila ng mister na si Rambo Nuñez.
Sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang hiwaan si Maja sa pagitan ng kanyang vaginal opening at anus habang nagle-labor.
Ang medical term nila rito ay episiotomy. Ginagawa ang pamamaraang ito upang palakihin ang butas ng female organ para sa panganganak.
Ipinost ni Maja ang ilang larawan niya habang nagle-labor sa loob ng kanyang hospital bed sa Canada.
Caption ni Maja, “Exactly a week ago, I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having an episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.
“Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka-emergency.
I had uterine inversion, kaya kinailangan nilang kunin sa 'kin si Maria at ibinigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed.
“3 OB-GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.
“That time, sabi ko na lang sa sarili ko na I can't do anything anymore, ubos na ubos na lakas ko. I started praying Hail Mary, paulit-ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB-GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!!!!”
Nagpasalamat si Maja sa mga medical personnel na tumulong sa kanyang panganganak, mga kaibigan at pamilya.
“Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandu'n nu’n, especially to the Filipino nurses who provided unwavering care and support.”
Sa ngayon ay nagre-recover na raw siya and feeling suwerte dahil kasama niya ang kanyang pamilya sa Canada especially her mom and siblings.
Lastly, sa kanyang mister at new born baby girl na si Maria, “To my husband, I love you. To my Maria, everything is worth it! I love you anak.”
NAGDEKLARA na si Sen. Raffy Tulfo na hindi siya tatakbo sa mas mataas pa sa posisyon niya ngayon sa 2028 elections. Ang tinutukoy ni Sen. Raffy ay ang nababalitang pagtakbo niya bilang susunod na presidente ng Pilipinas.
Matunog na kasi ang pangalan ni Sen. Raffy bilang isa sa mga presidentiables sa 2028 elections.
Sila ni Vice-President Sara Duterte ang nangunguna sa mga pinagpipilian na tumakbo sa susunod na presidential race, ayon sa latest survey.
Dahil d’yan, dagsa na raw ang paninira at fake info sa socmed (social media) laban kay Sen. Raffy. Inalmahan ito ng senador sa kanyang radio program kamakailan.
Nag-call out si Sen. Raffy sa nasa likod ng mga nagkalat na pamba-bash at fake news habang nakaere sa kanyang public service program sa radio.
Pahayag niya, “May mga tao d’yan na akala nila, tatakbo ako pa-ganu’n,” sabay taas ng kamay niya.
Dugtong niya, “Eh, hindi nila alam na ‘di ko talaga gagawin ‘yun. Kaya ‘wag po kayo maniwala, kayo po na mga nanonood, (sa) avid followers ng programa, alam n’yo po kung sino ako.
“Alam n’yo po kung ano ang ginagawa ko at never po ako na gagawa ng mga bagay na sisira sa programa na for more than 20 years na pinagkakatiwalaan n’yo.
“Hindi ko po sisirain ang programa ko, ang pagkatao ko na ibinuild-up ko po for more than two decades.
“Wala ako’ng ginawa kundi tumulong nang tumulong, sa isang iglap, sisirain ko dahil lamang sa mga pinagsasabi d’yan sa social media. Not a chance.”
Mabawasan na kaya ang mga bashers ni Sen. Raffy after niyang i-announce na ‘di siya tatakbo sa presidential election sa 2028?
Well, let’s see.