ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 15, 2025
Photo: Kean Cipriano - Instagram
Kakaiba ang gagawing selebrasyon ni Kean Cipriano sa kanyang ika-20 taon sa entertainment industry this year. At magki-kick-off ang kanyang celebration as one of the artists sa pre-Valentine show titled Love, Sessionistas on February 8, Saturday, at
The Theatre in Solaire produced by Fire & Ice.
“Maganda nga itong Sessionistas concert namin kasi maganda s’yang take-off for the year. Yes, for my 20th.
“Definitely, meron akong nilulutong mga kanta. Nag-i-studio work ako, nagre-recording ako ngayon. Nagre-record ako ng mga kantang matagal ko nang nagawa.
“Kumbaga, nasa recording stage ako ngayon. It’s gonna be a busy year dahil marami akong naka-lineup na gagawin,” lahad ni Kean sa mediacon ng Love, Sessionistas.
Usually, ‘pag nag-a-anniversary ang isang artist, nagse-celebrate sila via a concert.
Para kay Kean, “Mahaba pa ang taon. Sa totoo lang, nakaplano na ang taon. Nag-usap na kami ng team ko about it. But, kaya sabi ko, sobra pang maaga ‘yung 2025 para tumalon ako agad doon.
“Dahil sa dami ng plano, ang gusto ko sana, maging present at ma-enjoy ‘yung mga projects na ginagawa ko at the moment like itong Sessionistas.
“Etong time na ‘to, nakatutok ako sa kanya ngayon. Tapos, may next phase. May tour na ganito. Kumbaga, maraming-maraming inaayos.
“Ako kasi, trato ko sa kanya (20th anniversary), isang buong taon s’ya. Parang isang buong taon ko s’yang isineselebreyt na 20th year ko, parang ganu’n.
“And gusto ko s’yang maging celebration na pakiramdam ko talaga is ‘yung nagse-celebrate ako nang walang pressure, ng parang eto kasi, ito dapat ‘yung traditional na ginagawa. Gusto kong ma-enjoy ang taon. ‘Yun ang goal.”
Madiin ang pagkakasagot ni Kean ng “No” sa amin when asked for a possible reunion with his former band, ang Callalily.
“No, no, no. Wala,” sabi ni Kean.
Mukhang hindi pa rin sila okay ng kanyang former bandmates sa Callalily.
“For me, it’s ano, okay na ‘yun. Maganda na ‘yung nagawa ng banda and I respect that. It’s been a great ride,” lahad ni Kean.
Pero kasi, may gumagamit pa rin ng pangalan ng banda kahit wala na ang “Calla.”
“Ano naman?” sambit ni Kean.
Aniya, “It’s uh, they can do their thing and my thing. So, ano lang, ako parang, and it’s my 20th year, so, naka-focus ako on love and respect. Kumbaga, ang gusto ko, tama ang pakiramdam ng lahat.”
Agree naman kami kay Kean pagdating sa bagay na ‘yan. Kesa nga magdala pa siya ng pressure o kabuwisitan sa sarili ‘pag nagka-reunion concert pa sila.
“Oo,” pagsang-ayon niya.
Sey niya, “Walang point, eh. Walang point na mag-react ako, kaya sabi ko, kung ano ang ginagawa ng mga tao, I wish them well.”
Nag-react din si Kean sa isyu na nakarating sa amin na pinagbawalan niyang kantahin ng former bandmates niya sa Callalily ang hit song ng banda sa isang event na pareho silang performer.
“Sa ‘kin kasi, ang pinaka-take ko d’yan lalo sa banda, ganoon kaespesyal ang banda, eh, ‘di ba? Hindi naman ‘yan isang bagay na tataluhin mo isa-isa ‘pag hindi na magkakasama, ‘di ba?
“Naniniwala ako na lahat ng miyembro ng isang magical na something ay may karapatan para gawin ‘yung naging parte s’ya dati. Kahit sino’ng miyembro doon, walang problema doon. Dahil parte ‘yun ng magic,” esplika ni Kean.
Anyway, makakasama ni Kean sa reunion concert ng Sessionistas sina Ice Seguerra (na siya ring direktor ng concert), Juris, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco at Nyoy Volante.