ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 22, 2025
Photo: Ai Ai Delas Alas - IG
Natatawang ipinost ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa kanyang Facebook (FB) account ang mga nakarating na balita sa kanya tungkol sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.
Nag-post si Ai Ai ng picture na may paniking lumilipad papunta sa sementeryo sa kabilugan ng buwan, at sa naturang artcard ay nakasulat ang ganito: “No woman could love a cheater and not pay the price of it.”
Caption ni Ai Ai sa kanyang post: “Hahaha! Ang balita nga naman kahit ako’y nananahimik bongga!! Take note, si mistress ay PILIPINA (clapping emoji).”
Ang tinutukoy na mistress na Pinay ni Ai Ai sa caption ay ang “babae” na maaaring ipinalit sa kanya ng mister niyang si Gerald Sibayan.
Sa caption din ay ini-reveal ni Ai Ai ang mga nagtsika sa kanya kung saan spotted ang pagpi-PDA ng ex-hubby niya na tinawag na “cheater” at ng mistress noong March, 2024.
“MARCH 2024... Gerry’s Grill si mistress nakahilig pa ‘yung ulo sa balikat ni Cheater (wow, sweet!),” karugtong ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.
May nakakita rin daw sa dalawa na lovey-dovey noong June, 2024.
Sabi sa last part ng caption ni Ai Ai, “JUNE 2024... malapit sa Jollibee (malapit sa Fremont. Yes! Iba rin, malapit pa bahay namin, ah) holding hands si cheater and si mistress (wow, sweet ulit!). Lalakas ng loob, ah. Puro Filipino establishments at California (clapping emoji) IDOL!!! GOAT! (Greatest of All Time).”
Marami naman ang nag-react sa post ni Ai Ai.
“Mas malala talaga mga kapwa Pinay din pala. Miss Ai, hindi ka nag-iisa, ramdam kita (sad emoji).”
“Bawiin mo na ‘yung Green Card n’yang cheater na ‘yan!!!”
“You deserve better, Miss Ai Ai (heart and praying emoji).”
“I hope you have a prenup, ha.”
Sa huling interview namin kay Ai Ai delas Alas sa isang event, sinabi niya na meron silang prenup ni Gerald Sibayan.
NAPABILIB ng cast ng FPJ's Batang Quiapo (BQ) sa pangunguna ng bida at direktor ng aksiyon-serye na si Coco Martin ang mga tao sa Sinulog Grand Parade sa kanilang pagtatanghal sa Sinulog Kapamilya Karavan last Saturday, January 18.
Nagpasalamat si Coco sa mga tagasubaybay ng BQ sa Cebu kasabay ng pagwawakas ng selebrasyon nito para sa ikalawang taong anibersaryo at paglulunsad naman ng ikatlong (3) taon sa ere.
Sakto rin na nagbukas na ang panibagong yugto ng serye sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco).
Isang official poster ang inilunsad para rito at inaabangan na rin ang pag-anunsiyo ng mga bigating artista na papasok sa serye.
Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol.
Dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksiyong laban.
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.