ni Nitz Miralles @Bida | June 16, 2024
Wil To Win (WTW) na ang title ng bagong show ni Willie Revillame sa TV5, pero hindi pa in-announce kung kailan magsisimula ang show na airing Monday to Friday. Pati ang time slot ng show, hindi pa binanggit.
Bongga ang mga papremyo sa WTW at sa pilot episode nga raw, bukod sa cash prizes, mamimigay ang show at si Willie ng brand new car. Of course, hindi mawawala ang ipamimigay na jacket na trademark na niya.
Sey ni Willie, “For almost seven years, araw-araw ko kayong kasama sa GMA. Maraming mga pagsubok, maraming nangyari, may luha ng kaligayahan. May luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman.
“Sorry ho, naging emotional ako kasi mawawala na ho si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin. May bago na tayong programa dito sa TV5, ang Wil to Win.”
Anyway, hindi binanggit ang time slot ng WTW ni Willie, pero dahil last two weeks na lang ng game show nina Kayla Rivera at Jerald Napoles, malamang, ang show ni Willie ang ipalit sa time slot nitong 5:30 PM.
After ma-stroke…
ARNOLD, NAKA-DIAPER NA
May update si Arnold Clavio sa kanyang kondisyon na nagpahirap sa kanya, ang hemorrhagic stroke.
Naka-confine pa rin siya sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. For three days, regular ang pagtse-check sa kanya ng neurologist, cardiologist at rehab doctor to monitor his condition at para malaman kung kailangan ba siyang operahan.
“Pero dahil hindi naman tumabingi ang aking mukha o nabulol ang aking pagsasalita, ‘di ko na kailangan na maoperahan. Base sa kanilang paliwanag, ‘His slight bleeding is in the thalamus area (left side) which is responsible for sensation and some muscle control that’s why his right legs and arms had numbness and until now feels weak. It’s systemic and warning sign. The bleeding is in the small vessels which is good. If the brain is a tree in the forest the bleeding happened in the grass area... meaning manageable,” pagse-share ni Arnold.
“Good news, I am out of danger. Sabi nga ni Doc, ‘No more worries. The worst is over! You’re a lucky man!’ Ang kailangang gawin na lang ay mapababa ang aking BP (blood pressure) at sugar level,” patuloy ni Arnold.
Sa Day 2 ng kanyang confinement na nakaupo si Arnold, mahaba pa raw ang laban na haharapin niya. Ang laki raw ng pagbabago ng buhay niya habang nasa Acute Stroke Unit (ASU) siya ng hospital. Bawal pa siyang tumayo at kailangan niyang mag-adult diaper.
Sey ni Igan, “Para na rin akong sanggol na nililinisan at hinihilamusan araw-araw para maging presko ang pakiramdam. At may bago pala akong kaibigan - si Insulin!
“Abangan ang pag-graduate ko sa ASU at simula ng aking therapy at rehabilitation. At sana, ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay.”
Matagal-tagal ding hindi mapapanood si Arnold sa Saksi at Unang Hirit sa GMA-7 dahil nagpapagaling. Marami ang nagpadala ng mensahe sa kanyang paggaling.
MASIPAG mag-like at mag-comment si Kobe Paras sa post ni Kyline Alcantara, kaya tuluy-tuloy ang kilig ng kanilang mga shippers. Kaya ‘pag hindi nagla-like si Kobe, nagtatanong agad ang mga fans kung bakit wala ito. Naging obligayon tuloy nito ang mag-like sa post ni Kyline, or else, may mga maghahanap.
Kahit marami ang natutuwa kay Kyline, mapapansin din na marami ang galit sa kanya o baka naiinggit lang. May mga tao na hindi matanggap na napasok na ni Kyline ang mundo ng mga fashionista at sosyal. Invited siya sa mga events at launching ng mga luxury brands at rubbing elbow siya sa mga rich and influential sa fashion industry.
Ayun, may tumawag sa kanyang “feelingera,” “pa-sosyal,” “trying hard to be in” at “asang-asa” raw kay Kobe. Kaya pinayuhan siyang ‘wag masyadong umasa kay Kobe para hindi siya muling masaktan.
Marami na naman ang mga bashers ni Kyline nang dumalo siya sa Mega Ball. May mga comments na hindi bagay sa masayang post ng isa sa lead actress ng Shining Inheritance na malapit nang mapanood sa GMA-7, kaya dinelete. Ang inis siguro ng mga bashers na hindi na mabasa ang comment niya.
Saka, wala pang dapat ikabahala ang mga naiinggit na napansin ni Kobe si Kyline dahil from a source, wala pang romantic involvement ang dalawa. Kaya, kalma lang!