ni Chit Luna @Brand Zone | March 21, 2023
Muling nasangkot sa kontrobersiya ang World Health Organization (WHO) matapos na ilantad ang mga reklamong "racist" at abusadong pagtrato ng isang mataas na opisyal sa mga empleyado, na humantong sa pagkasibak nito sa ahensya.
Makalipas ang halos dalawang taong imbestigasyon, inihayag kamakailan ng WHO ang pagtanggal kay Dr. Takeshi Kasai bilang regional director sa Western Pacific sa kabila ng mga reklamo sa kanya mula sa mahigit 50 empleyado.
Ikinalungkot naman ni Dr. Lorenzo Mata, pinuno ng grupong Quit for Good, ang pinakahuling iskandalo na kinasasangkutan ng WHO na naunang kinuwestiyon ang kredibilidad dahil sa hindi magandang pagtugon nito laban sa pandemya.
Binanggit din ni Dr. Mata ang pabagu-bagong paninindigan ng WHO sa mga smoke-free alternative sa sigarilyo tulad ng heated tobacco products at vapes.
Dalawang taon ang nakaraan, ipinahayag sa isang pagdinig sa Kongreso ng mga kinatawan ng WHO na parehas lamang ang pinsalang dulot ng sigarilyo at e-cigarettes, ngunit bigla naman nilang binawi ito at sinabing mas maliit ang dulot na panganib ng vapes o e-cigarettes kaysa sigarilyo.
Kilala si Dr. Mata bilang pangunahing tagapagsalita tungkol sa tobacco harm reduction sa Pilipinas at nakilahok na rin siya sa iba’t ibang diskusyon sa buong mundo tulad ng Asia Harm Reduction Forum at Scientific Summit on Tobacco Harm Reduction.
Nangangamba si Dr. Mata na ang kawalan ng transparency at kakayahan ng mga opisyal ng WHO ay manunumbalik sa Nobyembre ng taong ito kung saan gaganapin ang 10th Conference of Parties para sa Framework Convention on Tobacco Control o FCTC treaty.
Ang FCTC, na isinasagawa kada dalawang taon, ay pinangungunahan ng WHO. Isa sa mga kalahok ang Pilipinas, at ang magiging resulta ng diskuyson ay makakaapekto sa milyun- milyong Pilipino na umaasa sa industriya ng tabako.
Ayon kay Dr. Mata, hindi kailangan ng Pilipinas ang mga mapanghusgang opisyal ng WHO na manghahamak lamang sa mga magsasaka at mga naninigarilyo, sa halip na tulungan sila.
Ayon sa mga kawani ng WHO na nainterbyu ng Associated Press, paulit-ulit umanong sinabi ni Kasai sa kanila sa mga pulong na ang pagkukulang sa pagtugon sa COVID ay dahil sa "kakulangan ng edukadong mga tao sa Pacific".
Nagbitaw din diumano si Kansia ng mapanirang salita tungkol sa mga kawani batay sa kanilang mga nasyonalidad at sinisisi ang pagdagsa ng COVID-19 sa kanilang kakulangan ng kapasidad dahil sa mas mababang kultura, lahi at socio-economic status.
Kilala aniya ang WHO sa mabagal na pag-aksyon sa mga reklamo laban sa mga opisyal nito. Ito rin ang dahilan kung bakit lumiit na ang tiwala ng mga tao sa WHO.
Si Dr. Kasai ang kauna-unahang mataas na pinuno ng WHO na tinanggal sa puwesto sa kabila ng maraming ulat ng katulad na pang-aabuso ng ibang opisyal sa internasyonal na ahensya.