ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 23, 2021
Bumuwelta ang Chinese Embassy, Manila sa United States kaugnay ng pagsuporta nito sa Pilipinas sa West Philippine Sea matapos mamataan ang diumano’y 220 maritime militia vessels ng China sa Julian Felipe Reef noong March 7.
Sa official Twitter account ng Chinese Embassy Manila, mababasa ang tweet ng isang news site na: “US Embassy on Chinese ships at Juan Felipe Reef (Whitsun): Chinese boats have been mooring in this area for many months in ever increasing numbers, regardless of the weather.
We stand with the Philippines, our oldest treaty ally in Asia.”
Pahayag naman ng Chinese Embassy, “The United States is not a party to the South China Sea issue. Fanning flames and provoking confrontation in the region will only serve the selfish interests of individual country and undermine the regional peace and stability.”
Saad pa ng embahada, "Both China and the Philippines are sovereign and independent countries. We have the will, wisdom and ability to properly handle relevant issues through bilateral channels.” Una nang pinabulaanan ng China na "maritime militia" ang mga naturang vessels at nanatili lamang daw ang mga barko sa reef dahil sa “rough sea condition.” Samantala, umaasa ang Malacañang na madadaan sa usapan ang isyu ng bansa sa China.