top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 19, 2021




Halos limampung libo ang pumirma sa inilunsad na online petition upang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi maayos na pamamahala sa lumalaganap na COVID-19 pandemic at sa pakikipag-ugnayan umano nito sa China, batay sa lumabas na resulta ng isinagawang petition ngayong Lunes, Abril 19.


Ayon kay Health Alliance for Democracy Chairperson Dr. Edelina De La Paz, "This statement will attest that people are no longer satisfied. If he doesn’t step down, then at least, the positive effect of this is it has made more people aware, made more people to be able to stand up and speak up." Kabilang sa mga pumirma sa Change.org petition na may titulong ‘Save the Nation! Duterte Resign!’ ay halos 500 medical workers, abogado, negosyante, miyembro ng academe, media workers at civic leaders.


Nilinaw naman ni De La Paz na walang halong pamumulitika ang isinagawang petition.


Aniya, "The situation is already too much. You have the pandemic, which is worsening. One year na tayong naka-lockdown, wala namang nangyayari. Tapos ang sitwasyon sa West Philippine Sea is so volatile that really a policy has to be imposed. Those islands are ours. Ang nakakabahala pa, payag siyang ipalit ang soberanya natin para lang sa bakuna."


Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address nitong Huwebes na hindi naman nagkulang sa pagresponde ang gobyerno.


Paliwanag niya, "I'd like to just disabuse the mind of nagkulang tayo. Wala na kayong tiningnan kundi ‘yung kagaguhan n’yo. Hindi tayo nagkulang.


“Baka sabihin n'yo wala naman talagang solusyon ito. Meron po, itong kaharap n’yo, ‘wag na ako, palaos na ako," pagbibida pa niya sa kanyang mga aides o itinalaga sa position.


“Harap ka sa panel, ‘yan… Puro bright ‘yan, puro valedictorian. Alam nila kung anong gawin nila. ‘Wag kayong mag-alala, we chose the right people to run the government,” dagdag pa ng Pangulo.


Sa ngayon ay patuloy pa ring mataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, sa kabila ng ipinatutupad na quarantine restrictions at health protocols.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 10, 2021




Iimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang diumano'y panghahabol at pananakot ng barko ng China sa Filipino vessel na lulan ang mangingisda at ABS-CBN media sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.


Ayon sa DFA, kapag nakumpirma na ang insidente, makikipag-ugnayan sila sa China ukol dito.


Pahayag pa ng DFA, "Philippine authorities are looking into reports of Chinese vessels chasing after a television crew aboard a Philippine vessel in the West Philippine Sea. If proven to be true, the Department of Foreign Affairs will raise the matter with the Chinese government.


"In the meantime, the Department is thankful that the crew and the Filipino vessel are safe.”


Nagpaalala rin ang DFA na makipag-ugnayan muna ang publiko sa awtoridad ng Pilipinas bago bumisita sa Kalayaan Island sa WPS.


Sa ulat ng mamamahayag ng ABS-CBN na si Chiara Zambrano, mayroong 2 Chinese missile crafts na diumano'y sumunod sa kanila sa paglalayag nila papuntang Ayungin Shoal sa WPS na malapit sa Palawan.


Pahayag pa ni Zambrano, “Tiningnan namin ang location namin sa GPS, kami ay nasa 90 nautical miles lamang mula sa pinakamalapit na kalupaan ng Palawan.”


Aniya pa, “Pumunta kami rito para itanong sa mga mangingisdang Pilipino kung ano ang ikinatatakot nila sa paglalayag sa West Philippine Sea at hindi namin inaasahan na mismong kami ay mararanasan at makikita namin ‘yung ganitong powerful na mga vessel o sasakyang pandagat ng China.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 4, 2021




Binuweltahan ng Chinese Embassy sa Manila ang naging panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pagpapaalis sa diumano'y maritime militia vessels ng China sa Julian Felipe Reef na bahagi ng West Philippine Sea at giit pa ng embahada, parte ito umano ng Nansha Islands.


Ang Julian Felipe Reef ay tinatawag na Niu'e Jiao sa Beijing. Iginiit din ng China na hindi militia vessels ang mga naturang barko kundi fishing vessels.


Pahayag ng embahada, "The Niu'e Jiao is part of China's Nansha Islands. The waters around Niu’e Jiao has been a traditional fishing ground for Chinese fishermen for many years. The Chinese fishermen have been fishing in the waters for their livelihood every year.


"It is completely normal for Chinese fishing vessels to fish in the waters and take shelter near the reef during rough sea conditions. Nobody has the right to make wanton remarks on such activities. "China is committed to safeguarding peace and stability in the waters and we hope that authorities concerned would make constructive efforts and avoid any unprofessional remarks which may further fan irrational emotions.”


Samantala, nauna nang iniulat ng awtoridad sa Philippine Coast Guard (PCG) ang namataang 220 vessels sa Julian Felipe Reef noong March 7 na pinaniniwalaan ng awtoridad na maritime militia vessels. Ngunit, pinabulaanan kaagad ito ng Chinese Embassy at anila, nananatili lamang daw ang mga barko sa reef dahil sa “rough sea condition.”


Pahayag naman ni Lorenzana sa social media, “The Chinese Ambassador to the PH has a lot of explaining to do. There are still 44 Chinese vessels that are in Julian Felipe Reef. “I am no fool. The weather has been good so far, so they have no reason to stay there. These vessels should be on their way out. Umalis na kayo riyan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page