top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 4, 2021



Hindi pinalagpas ng China ang naging matapang na pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. kamakailan laban sa naturang bansa dahil sa patuloy na presensiya ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).


Pahayag ni Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa regular press briefing sa Beijing, "Facts have proven time and time again that megaphone diplomacy can only undermine mutual trust rather than change reality.


"We hope that [a] certain individual from the Philippine side will mind basic manners and act in ways that suit his status.”


Noong Lunes, matatandaang nag-tweet si Locin ng: “China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O… GET THE F*** OUT. What are you doing to our friendship? You. Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province."


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, humingi ng paumanhin si Locsin sa Chinese ambassador, ngunit paglilinaw ng Foreign Affairs secretary, tanging kay China's Foreign Minister Wang Yi lamang siya nag-sorry.


Saad pa ni Locsin, “To my friend Wang Yi only. Nobody else.”


Nilinaw naman ni Wenbin na mananatili ang kanilang pagtulong sa Pilipinas sa kabila ng mga isyu sa WPS.


Saad pa ni Wenbin, "China has always been and will remain committed to properly handling differences and advancing cooperation with the Philippines through friendly consultation, and will continue to provide assistance within its capacity to the Philippines in its efforts to fight the epidemic and resume economic development.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021



Pinabulaanan ng Malacañang na hindi pinansin ng China ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaalis sa mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).


Noong Abril, iniulat ng task force na may mga namataang 220 Chinese militia vessels sa WPS.


Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang aabot sa 201 barko ang umalis sa WPS matapos makipag-ugnayan si P-Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.


Pahayag pa ni Roque sa kanyang press briefing, "Hindi po totoo na in-ignore ang ating Presidente… 201 fishing vessels ang umalis and all because of the message of the President and the warm relations we enjoy with China.


"Doon sa natitirang kaunti, we are still hoping aalis sila."


Sa nakaraang public speech ni P-Duterte, aniya ay malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China ngayong nakikibaka ang bansa laban sa COVID-19 pandemic ngunit aniya, ang territorial waters ng ‘Pinas ay "cannot be bargained."


Samantala, matatandaang kamakailan ay nagsampa na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa patuloy na presensiya ng mga Chinese vessels sa WPS.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 23, 2021




Dalawang diplomatic protests ang isinampa ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China hinggil sa 160 Chinese vessels na palaging namamataan sa West Philippine Sea.


Ayon sa DFA, "The vessels were observed within the territorial sea of high tide features in the Kalayaan Island Group, in the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ), and in and around the territorial waters of Bajo de Masinloc."


Bukod sa 160 Chinese vessels, kabilang din sa sinampahan ng diplomatic protest ang lima pang Chinese Coast Guard vessels na may bow numbers: 3103, 3301, 3305, 5101 at 5203 na namataan sa teritoryo ng Pag-asa Island, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.


Paliwanag pa ng DFA, “Through these protests, the DFA reminded China that Bajo de Masinloc, Pag-asa Islands, Panata, Parola, Kota Islands, Chigua and Burgos Reefs are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction. The Philippines exercises sovereign rights and jurisdiction over Julian Felipe Reef and Ayungin Shoal."


Matatandaang ipinatawag ng DFA kamakailan si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang iutos na alisin nito ang mga illegal Chinese vessels na namamalagi sa teritoryo ng ‘Pinas at para mapag-usapan ang tungkol sa international law, kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


"The continued swarming and threatening presence of the Chinese vessels creates an atmosphere of instability and is a blatant disregard of the commitments by China to promote peace and stability in the region," sabi pa ng DFA.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page