top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | June 16, 2024



FIle Photo

Nagpahayag ng pagtutol ang mga lider ng Group of Seven (G7) sa mga ginagawang aksyon ng China sa kanilang tinatawag na South China Sea (SCS) o ang West Philippine Sea (WPS), partikular sa agresyon ng nasabing bansa laban sa mga sasakyang pandagat ng 'Pinas.


Iginiit ng mga lider ng G7 kamakailan, na binubuo ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at United States, ang kanilang hinaing sa unilateral na pagtatangkang baguhin ang status quo sa SCS sa pamamagitan ng puwersa o pamimilit.


Binigyang-diin din ng G7 na walang legal na batayan ang pang-aangkin ng China sa teritoryo ng 'Pinas at tinututulan nila ang militarisasyon, at mga pananakot ng bansa sa SCS.

 
 

by Info @News | June 14, 2024



Showbiz Photo

Pinag-iingat ni Senador Francis 'Tol' Tolentino ang mga mangingisda at mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas laban sa posibleng dagdag na panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).


Simula Hunyo 15, ipatutupad ng China ang bagong batas na nagbibigay permiso sa kanilang Coast Guard na manghuli at ikulong ng isang buwan ang sinumang tatapak sa itinuturing nilang teritoryo.


Kaugnay nito, ipinayo umano ng senador sa mga mangingisda at sundalo na huwag magpaaresto. “Ipagdasal natin ang ating mga sundalo at mangingisda laban sa walang tigil na paninikil ng China.


Sa Zambales at sa Palawan, at hindi lang 'yung sa BRP Sierra Madre,” diin ni Senador Tol. Dagdag pa ng mambabatas, dapat nang patibayin ang naval defense ng bansa para humarap sa mga ganitong panggigipit.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023




Nanghimasok ang China sa teritoryo ng 'Pinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Ito ay matapos malamang ang Navy frigate BRP Conrado Yap ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang operasyon sa Bajo de Masinloc.


Binigyang diin ng DFA na ang pagpapatrolya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc ay responsibilidad ng Pilipinas sapagkat pag-aari ng bansa ang nasabing karagatan.


Ayon sa DFA, paglabag sa pandaigdigang batas ang ginagawang panghihimasok ng China sa karagatan ng Pilipinas at malinaw na pang-aabala ito sa mga mangingisdang Pilipino.


Matatandaang naging pabor sa 'Pinas ang naging pasya ng tribunal ng taong 2016.


Ang tinatawag na South China Sea, kasama ang nine-dash line, at iba pang aktibidad sa karagatan ng Pilipinas ng bansang China ay labag sa batas.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page