ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 10, 2021
Inaasahang makararanas ang Eastern Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Aurora ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na dulot ng binabantayang low pressure area (LPA) at ang tail-end ng isang frontal system, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa layong 125 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar at nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslides.
Samantala, inaasahan din ang pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at iba pang bahagi ng Central Luzon dahil sa hanging amihan.