top of page
Search

ni Lolet Abania | July 2, 2022



Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Domeng na may international name na Aere ngayong Sabado ng umaga, ayon sa PAGASA.


Sa 11AM bulletin ng weather bureau, alas-10:00 ng umaga, namataan ang sentro ni ‘Domeng’ na nasa layong 990 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon na matatagpuan sa labas ng PAR.


Taglay nito ang maximum sustained winds ng 85 km/h malapit sa sentro, gustiness na aabot ng 105 km/h, at central pressure ng 994 hPa.


Kumikilos si ‘Domeng’ patungong north northwestward ng 30 km/h at inaasahang pinakamalapit na daraan ito sa buong Ryukyu Islands ng Japan ngayong Sabado ng gabi. Habang patungong north northwestward ng Linggo sa East China Sea.


Ayon sa PAGASA, “from its center, strong to gale-force winds are extending outwards up to 400 km.”


“’DOMENG’ is forecast to remain tropical storm in the next 36 hours,” pahayag ng weather bureau.


“Tropical Storm ‘DOMENG’ is not directly affecting the archipelago within the forecast period,” dagdag ng PAGASA.


Gayunman, nananatiling nakababa ang gale warning sa buong western seaboards ng Northern at Central Luzon dahil kay ‘Domeng’, Typhoon Chaba at ang Southwest Monsoon o Habagat.


Ang natitirang seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Southern Luzon ay makararanas din ng katamtaman hanggang sa rough seas, na may mga pag-alon na posibleng umabot ng hanggang 4 metrong taas, na magiging mapanganib para sa maliliit na sasakyang pandagat.


Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na patuloy na magsagawa ng mga kaukulang pag-iingat kaugnay sa bagyo.


 
 

ni Lolet Abania | September 12, 2021



Umabot na sa 2,780 pamilya o 11,145 indibidwal ang apektado dahil sa Bagyong Kiko na may international name na Chanthu, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo.


Sa pinakabagong situational report ng NDRRMC, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 97 barangay sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region (CAR).


Nasa kabuuang 1,563 katao ang nananatili sa loob ng mga evacuation centers, habang 2,094 indibidwal na nagsilikas ay nasa labas naman ng evacuation centers.


Apat na nai-report na landslides dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Region I, partikular sa Aringay, Burgos at San Fernando sa La Union.


May 19 na lugar din na naiulat na labis na binaha sa mga bayan ng Macabebe, San Simon, at Candaba, Pampanga sa Region III. Habang anim na kalsada ang hindi na madaanan dahil sa taas ng tubig, kung saan tatlo sa Region II, dalawa sa Region III, at isa sa CAR.


Nawalan din ng suplay ng kuryente sa limang lungsod at munisipalidad sa Batanes at Apayao habang hindi pa rin ito naibabalik hanggang sa ngayon.


Nakaranas naman ang mga residente sa Sabtang, Batanes ng kawalan ng suplay ng tubig matapos na ang kanilang mga pipelines at accessories ay masira dahil sa matinding bugso ng hangin at malalakas na pagbuhos ng ulan sanhi ng bagyo.


May kabuuang anim na lugar sa Batanes sa Region II ang nakaranas ng communication outage at iba pang isyung may kaugnayan dito. Ayon pa sa NDRRMC, mayroong 93 pasahero ang stranded sa Regions I, II, III, Calabarzon, XII, at CAR. Isang bahay naman ang bahagyang nasira dahil sa Bagyong Kiko sa CAR.


Samantala, may kabuuang 160 packages ang ipinamahagi bilang assistance sa mga apektadong pamilya sa Region I.


Ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Itbayat at sa buong lalwigan ng Batanes habang si Kiko ay nagdudulot pa rin ng malakas na hangin sa buong lalawigan.


Binawi na rin ang lahat ng lugar na isinailalim sa TCWS. Kaninang alas-10:00 ng umaga, ang mata ng Bagyong Kiko ay nasa layong 395 km hilaga ng Itbayat, Batanes na taglay ang maximum sustained winds ng 175 km/h malapit sa sentro, bugsong aabot sa 215 km/h, at central pressure ng 940 hPa.


Kumikilos si Kiko patungong north northeastward ng 20 km/h. Ayon pa sa PAGASA, nananatili ang lakas ni Kiko habang kumikilos naman patungong karagatan ng silangan ng Northern Taiwan.


Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiko ngayong Linggo nang hapon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | August 31, 2021



Tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Ariel Roxas, papangalanan ang mga ito na Jolina, Kiko at Lani.


"Wala tayong inaasahang masamang panahon na mabubuo in the next 2-3 days," dagdag niya.


Ngayong Martes ay maaari umanong magdulot ng pag-ulan ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa Cagayan Valley, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Aurora at Quezon.


Samantala, ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay maaaring makaranas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa ITCZ.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page