top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 4, 2023

ni BRT @News | September 4, 2023




Dalawa katao ang nasawi dahil sa epekto ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Goring at Hanna, batay sa Office of Civil Defense (OCD).


Ayon naman kay National Disaster Risk Reduction Management Council spokesperson Edgar Posadas, ang mga nasawi ay kasalukuyang bina-validate na nagmula umano sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Western Visayas.


Mahigit 418,000 indibidwal naman sa iba't ibang bahagi ng bansa ang apektado dahil sa sama ng panahon.


Nasa 114,000 pamilya naman mula sa 1,469 barangay ang apektado.



 
 

by Info @Weather News | September 4, 2023




#WalangPasok: Suspendido ang klase sa ilang mga lugar ngayong araw ng Lunes, September 4, 2023. Dahil sa malalakas na ulan at baha dulot ng habagat at #HannaPH, maraming local government units (LGUs) ang nagpasyang isuspende ang klase.


Ang mga lugar na nagkaroon ng suspensiyon ng klase kasama ang mga lungsod at barangay:


Pangasinan: Suspendido ang klase sa maraming lungsod at barangay sa Pangasinan. Kasama na dito ang preschool, elementary, at high school levels sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.


Benguet at Baguio: Suspendido ang klase sa preschool, elementary, at high school levels sa Benguet at Baguio City.


Metro Manila:


Caloocan City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.


Malabon City: Nagpapatupad ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.


Navotas City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas, kasama na ang preschool, elementary, at high school.


Marikina City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.


Parañaque City: Nagpapatupad ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas.

San Juan City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas, kasama na ang preschool, elementary, at high school.


Mandaluyong City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko man o pribado.


Valenzuela City: Nagpapatupad ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas.


Pasay City: Suspendido ang klase sa lahat ng antas, kasama na ang preschool, elementary, at high school.


Quezon City: Nagpapatupad ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas.


Ilocos Norte: Sa Ilocos Norte, suspendido ang klase sa preschool at elementary levels para sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.


Angeles City, Baguio City, Benguet Province, Bataan Province, Bacoor (Cavite), Dasmariñas (Cavite), Olongapo City, at Sta. Lucia (Ilocos Sur): Walang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan.


Bulacan: Maraming mga bayan at lungsod ang walang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan.


Malolos: Lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.


Pangasinan: Maraming mga bayan at lungsod ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng mga paaralan, maging ito man ay pampubliko o pribado.


Mahalaga na manatiling updated ang mga magulang, estudyante, at mga kawani ng paaralan sa pinakabagong mga anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan at mga institusyon ng edukasyon.


I-refresh lamang ang page na ito para sa bagong updates. www.bulgaronline.com

 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 1, 2023




Nasa loob na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Hanna, na nagpapalakas sa hanging habagat kasama ng Super Typhoon Saola (dating 'Goring') at Tropical Storm Kirogi na kapwa nasa labas ng PAR.


Bandang alas-4 ng madaling-araw nang mamataan ang sentro ng bagyo 1,225 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA kahapon.


Tinatayang mas maraming ulan ang babagsak sa matataas at mabubundok na lugar. Sa ilalim nito, malaki ang tiyansang makapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.


Ang pinalakas na habagat ay magdadala ng mahanging panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at hilagang bahagi ng Eastern Visayas.


Samantala, malaking bahagi ng Maynila ang binaha dahil sa matinding pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalala ng Bagyong Goring.


Kaugnay nito, sinuspinde ng Palasyo ang klase sa lahat ng antas maging ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, nitong Huwebes ng hapon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page