ni Lolet Abania | May 31, 2021
Aabot sa 500,000 customers ng Manila Water Company Inc. ang makararanas ng 10-oras na service interruption ngayong linggo dahil sa pagsasagawa ng kumpanya ng maintenance operations.
Sa isang advisory, ayon sa Manila Water, puputulin muna nila ang mga linya at ikakabit ang lumang 500mm mainline sa kahabaan ng Ortigas Avenue malapit sa EDSA sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Magsisimula ang interruption ng alas-11:00 ng Miyerkules, June 2, hanggang alas-9:00 ng umaga ng Huwebes, June 3.
Apektado ang nasa 500,000 indibidwal sa 110,355 kabahayan, at commercial at business na establisimyento sa 39 mga barangay sa Metro Manila.
Narito ang mga sumusunod na lugar:
Sa Mandaluyong -- Addition Hills, Barangka Drive, Barangka Ibaba, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Buayang Bato, Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Highway Hills, Hulo, Malamig, Maumay, San Jose, Plainview, Plesant Hills, Wack-Wack East Greenhills.
Sa Pasig City-Bagong Ilog, Oranbo, at mga parte Kapitolyo, San Antonio, at Ugong.
Sa Quezon City- Bagong Lipunan ng Crame, Horseshoe, Immaculate Concepcion, Kaunlaran, Pinagkaisahan, San Martin de Porres, Ugong Norte, Valencia
Sa San Juan City-Addition Hills, Corazon de Jesus, Greenhills, Isabelita, Little Baguio, Maytunas, Onse, Santa Lucia, St. Joseph, West Crame.
"Manila Water is advising residents of the said barangays to store enough water to supply their needs only during the interruption period," ayon pa sa Manila Water.
Paalala ng kumpanya sa mga customers, ilang minuto munang buksan ang tubig bago gamitin.
Ang Manila Water ay ang east zone na concessionaire kung saan nagseserbisyo sa 23 lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at Rizal.
Kabilang dito ang Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, at mga parte ng Quezon City at Manila. Kasama rin ang bayan ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay, Teresa, San Mateo at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.