top of page
Search

ni Lolet Abania | October 15, 2021



Inilabas na ni Vice President Leni Robredo, standard bearer ng oposisyon ngayong Biyernes, ang mga pangalan na bubuo sa kanilang 11-man Senate slate para sa 2022 national at local elections.


Sa press briefing kasama ang kanyang running-mate na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan, binanggit ni Robredo ang kanilang mga napiling kandidato sa pagka-senador:


1. Senador Richard Gordon

2. Senador Joel Villanueva

3. Senador Miguel Zubiri

4. Senador Risa Hontiveros

5. Senador Leila de Lima

6. Dating Vice President Jejomar Binay

7. Dating Rep. Teddy Baguilat

8. Sorsogon Gov. Chiz Escudero

9. Dating Senador Antonio Trillanes IV

10. Human rights lawyer Chel Diokno

11. Alex Lacson ng Kapatiran


“They are the ones who heeded our call for unity,” ani Robredo.


“We are together in expanding our ranks based on principles.”


"Mga kinatawan sila ng mas malawakang puwersang handang tumindig para isulong ang bago, matino, at makataong pamamahala, mula sa tuktok ng pamahalaan hanggang sa bawat sulok ng burukrasya,” sabi pa ni Robredo.


Gayunman, sinabi ni Robredo idadagdag na lamang nila ang nasa 12th slot sa susunod na araw.


“We want to get someone who will best represent the marginalized sector,” diin ng bise presidente.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 7, 2021



Pormal nang inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.


Sa kaniyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP), tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.


“Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” ani VP Leni.


Matatandaang inendorso ng 1Sambayan si Robredo ngunit hindi niya agad tinanggap dahil sa ilang konsiderasyon.


"Ang kinabukasan pinagsisikapan at pinaglalaban. Kailangan natin piliing humakbang. Heto ako ngayon — humakakbang. Ipaglalaban ko kayo hanggang dulo. Itataya ko ang lahat at ibubuhos ang lahat ng kaya kong ibuhos,” dagdag ni Robredo.


Makakasama ni VP Leni bilang kanyang running mate si Sen. Kiko Pangilinan.


Inaasahang ngayong araw ihahain ng bise presidente ang kaniyang certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 7, 2021



Ayon kay VP Leni, kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamuno sa pandemic response ng gobyerno, magiging prayoridad niya ang wastong paggamit ng pondo.


"Ang una kong gagawin, titingnan how much money do we have now. Itatabi natin 'yon sa kung ano ba 'yung pinakakailangan... Halimbawa isa sa pinakakailangan ngayon, 'yung pag-asikaso sa healthcare workers natin... Talagang kailangan may kumukumpas sa taas," ani Robredo sa isang panayam.


Napapansin pa raw niyang tila nalilihis ang atensiyon ni Pangulong Duterte dahil sa politika at hindi raw alam ang sitwasyon ng pandemya.


"The last 2 press conferences were really quite frustrating for us kasi nasa middle tayo ng surge na kailangan all hands on deck, 'yung urgency is really most important now tapos the greater part of the press conference is pinupuna 'yung mga senador, pinupuna ang COA," pahayag niya.


"Pag pinapakinggan ko at binabasa 'yung transcript, may sense ako na hindi na niya alam lahat ng detalye. Ang tingin ko lang, kulang sa pagtutok sa detalye," dagdag niya.


Ayon pa sa bise presidente, imbes na awayin ng Pangulo ang mga senador at depensahan ang mga sangkot sa umano'y overpricing ng medical supplies ay dapat harapin nila ang imbestigasyon.


"The President has been sending mixed signals. 'Yung claim niya na corruption is one of the flagship programs niya when he was campaigning," aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page