top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 7, 2022



Si Vice President Leni Robredo ang most searched sa mga presidential candidates, habang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio naman ang most searched sa vice-presidential candidates, ayon sa Google Trends nitong Miyerkules.


Nanatili si Robredo sa top spot sa nakalipas na linggo na may 41 percent, malayo sa kanyang closest rival, former Sen. Ferdinand Marcos Jr. na may 29 percent.

Nasa ikatlong puwesto naman si Sen. Manny Pacquiao na may 14 percent, na sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno sa ikaapat na may 12 percent, at Sen. Panfilo Lacson sa ikalimang puwesto na may 4 percent.


Batay sa comparison chart ng searches kina Robredo, Marcos, at Moreno, makikitang nanguna pa rin si Robredo pagdating sa interest over time — kung saan inilalarawan ng Google Trends kung gaano kasikat ang search term para sa isang specific period.


Batay sa sukatan nito, ang term na magkakaroon ng score na 100 ay nangangahulugang naabot nito ang peak ng popularity habang ang score na 50 ay nangangahulugang hindi gaanong popular.


Mula March 30 hanggang April 6, nakakuha si Robredo ng average score na 59, habang si Marcos ay nakakuha ng 41. Si Moreno naman ay may average score na 17.

Batay sa datos ng tatlong kandidato, ipinakita ng Google Trends na nakuha ni Robredo ang pinakamalaking search interest sa Bicol Region na may 63 percent kumpara kay Marcos na may 27 percent at Moreno na may 10 percent.


Mas mataas din ang nakuhang score ni Robredo kumpara kina Marcos at Moreno sa Calabarzon (54 percent to 33 percent to 13 percent); Metro Manila (52-32-16), at iba pang lugar.


Sa Ilocos Region na kinokonsiderang balwarte ni Marcos ay nanguna rin si Robredo na may 48 percent habang si Marcos ay nasa 40 percent lamang.


Si Marcos naman ay umangat kay Robredo sa Bangsamoro Region (50 percent to 32 percent); Davao Region (46 to 41); Caraga (45 to 44); at Northern Mindanao (44 to 42).


Hindi ito ang unang Google Trends na nagpakita na si Robredo ay lumamang kay Marcos: Noong Marso, nakakuha si Robredo ng 38 percent share kumpara sa 28 percent ng dating senador.

 
 

ni Lolet Abania | March 24, 2022



Ipinahayag ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na ang Partido Reporma, na siyang pangulo nito, ay kanilang iniendorso na ngayon si presidential candidate Vice President Leni Robredo para sa May 2022 elections.


Ito ang inanunsiyo ni Alvarez matapos na si Senador Panfilo Lacson, na tatakbo rin sa pagka-pangulo, ay nag-resign bilang miyembro at chairman ng Partido Reporma, kung saan aniya, napagdesisyunan ng partido na suportahan ang isa pang presidential candidate.


“Our ground leaders have expressed their wish to participate in that brave calling. And that is why, a hard choice must be made. With a heavy heart, many members of Partido Reporma are constrained to consider a candidate other than their first choice,” sabi ni Alvarez sa isang statement ngayong Huwebes.


“We need a leader. And for the 2022 Presidential elections, given all these considerations and the crisis we have to overcome, that leader is a woman. Her name is Leni Robredo,” ani pa Alvarez.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 9, 2021



Nagbubunyi ang mga fans ng OPM band na Ereaserheads matapos ang pahayag ng dating frontman na si Ely Buendia na magre-reunion ang banda kung tatakbo si Bise Presidente Leni Robredo sa pagka-pangulo.


Matatandaang sa isang tweet nitong Setyembre, natanong ang bokalistang si Ely Buendia kung may pag-asa bang magkaroon ng E-heads reunion.


Sagot ni Buendia, “‘Pag tumakbo si Leni”.


At nang maghain na ng kandidatura si VP Leni sa pagka-pangulo, agad bumaha ng tweet posts sa social media.


Lahat ng tweets ay nagsasabing maghihintay silang tuparin ni Ely ang pangakong binitawan nito.


Nag-trend sa Twitter ang posts tungkol sa song requests at kung may posibilidad na gawan ng jingle ng banda ang presidential aspirant.


Sa ngayon ay wala pang tugon si Ely sa usaping ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page