ni Lolet Abania | May 6, 2022
Naghain na si Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, ng cyber libel complaint laban sa top executives at editors ng online news site hinggil sa artikulo na naglalaman ng mga false information patungkol sa kanya at sa bise presidente.
Si Gutierrez ay nag-file ng cyber libel complaint sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Biyernes laban sa writer, editors, owners, at publisher ng Journal News Online, People’s Journal, at People’s Journal Tonight, kung saan na-published noong Abril at nakasaad sa artikulo, “Communist Party of the Philippines Joma Sison claimed that he was acting as adviser to the presidential candidate and her spokesperson.”
Parehong itinanggi ng kampo nina Robredo at Sison ang naturang alegasyon.
Sa isang 18-page complaint affidavit, ang artikulo ayon kay Gutierrez ay “is without due regard for truth, propriety, and fairness.”
“The foregoing are acts that I categorically and strongly deny for these are brazen falsehoods and are nothing but outright lies and malicious prevarications,” diin ni Gutierrez.
Ayon kay Gutierrez, ang news site ay hindi nagbigay ng oras at sinikap na beripikahin ang naturang claims.
“The fact that the respondents proceeded to publish the news article and used the headline ‘Joma admits advising Leni’ even after learning that the CPP and Sison denied publishing any news item in Ang Bayan, which was allegedly the basis of the news article, is already concrete proof of the bad faith and malicious intent on the part of the respondents,” giit ni Gutierrez.
Gayundin, ang alegasyon ay layon ani Gutierrez, “denigrate Robredo’s effective election campaign.”
Sa ngayon, ang artikulo ay nakakuha ng mahigit sa 44,000 views at 100 shares.
Kabilang sa mga respondents ay sina article writer Lee Ann Ducusin, editor in chief Augusto Villanueva, associate editor Dennis Fetalino, managing editors Manuel Ces at Teresa Lardizabal, editorial consultant Reginald Velasco, news site owner PJI Web News Publishing, at publishing corporation Philippine Journalists, Inc.
Habang isinusulat ito, wala pang ibinigay na pahayag ang naturang news site.