ni VA / RN @Sports | June 21, 2023
Namayani ang National University (NU) pair nina Kly Orillaneda at Kathrina Epa, 21-17, 17-21, 15-11 kontra sa Bacolod tandem nina Bianca Lizares at Honey Grace Cordero para kumpletuhin ang 6-game sweep at angkinin ang women's crown ng Beach Volleyball Republic (BVR) Candon City leg noong nakaraang linggo sa Darapidap Beach.
Ito ang unang pagtatambal nina Orillaneda at Epa sa BVR on Tour.
Sa men's division, bigo naman ang NU na mawalis ang torneo nang matalo sina Pol Salvador at Alex Iraya sa Harbor Pilot duo nina Ranran Abdilla at Rancel Varga, 13-21, 10-21.
Dahil sa panalo, nakumpleto nina Abdilla at Varga ang 5-0 sweep sa men's division.
Ang titulo ang una sa BVR on Tour ni Orillaneda na ang best finish ay second place noong 2018 December Open nang pumangalawa ang tambalan nila ni Roma Joy Doromal kina Dzi Gervacio at Bea Tan, gayundin para kay Epa na nagsimulang maglaro sa BVR noong 2019.
Para makarating sa kampeonato , ginapi ng pareha nina Orillaneda at Epa ang Ateneo 1 pair nina Gena Hora at Yumi Furukawa 21-17, 21-13 sa quarterfinals at ang Ateneo 2 tandem nina Jana Cane at Liz Lomocso 21-17, 21-13 sa semis.
Samantala, ang titulo ang ikalima sa BVR para kay Abdilla habang pangatlo naman ito ng katuwang niyang si Vargas.
Samantala, tagumpay ang batang 11 year's old na si Christian Tolosa ng Imus, Cavite na umiidolo sa First Asian champion Grandmaster Eugene Torre ng makamit nito ang kampeon sa katatapos na 2nd ESNAJ FIDE Standard Invitational Round Robin Chess Tournament na ginanap sa Atrium, Robinsons Place Gen. Trias, Cavite.
Nagtala ng pinakamataas na puntos 7.5 si Tolosa na nagmula ito sa 9 na nakalaban.
Pumangalawa naman si AFM John Peter Caballes ng 7 puntos ng Dasmariñas, Cavite at pumangatlo si John Martin Firmalino 5 puntos ng Gen. Trias Cavite.