top of page
Search

ni Gerard Arce / VA @Sports News | Mar. 4, 2025



Photo File: Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels - PVL



Nakatakdang katawanin ng koponan ng Creamline Cool Smashers at ng  Petro Gazz Angels ang Pilipinas sa darating na  Asian Volleyball Confederation (AVC) Women's Champions League.


Ito ang inanunsiyo ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) vice president at Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou. Dapat sana ay ang tatanghaling  PVL 2024-25 All-Filipino Conference champion ang magiging kinatawan ng bansa sa torneo. Subalit dahil sa kanyang schedule nito ay hindi na kakayañing mahintay pa ang pagtatapos nito dahil sa  Marso 12  na ang AVC draw.


Kaya naman nagdesisyon silang ang kasalukuyang nangungunang dalawang koponan na lamang sa preliminaries ang lalahok. "No more, because the AVC called us and said they need the teams right away. There's still a drawing of lots on March 12 so we cannot wait until the end of the tournament. We talked to the teams and we said after the (preliminary) round, the top two will represent the Philippines and that's Creamline and Petro Gazz," paliwanag ni Palou.


Bilang  host, may pagkakataon ang Pilipinas na magkaroon ng dalawang koponan at tig-3 imports gaya ng iba pang mga bansang kalahok.


"Yes, (they accepted). We don't know what their plans are because they are entitled to three imports. But we don't know if they will get three imports, although Petro Gazz have (MJ) Phillips and Brooke (Van Sickle) they are considered as imports because they belong to the US federation, so they can still get one more. I don't know what the plans of Creamline are as of this time," wika pa ni Palou.


Ang AVC tournament ay nakatakdang ganapin sa Abril 20-27 sa PhilSports Arena sa Pasig City.  

 
 

ni VA @Sports | Jan. 3, 2025



Photo: Tinanggap ni Isaiah John Roca ng University of the East ang plake bilang Most Valuable Player mula kay PNVF President Ramon Suzara sa awarding ceremony ng PNVF U21 Men's Volleyball Championships 2025 National Finals sa Ninoy Aquino Stadium. (Reymundo Nillama)



Nagawang makarekober ng University of the East mula sa malamyang simula at gitlain ang Zamboanga City, 22-25, 25-27, 25-20, 25-29 upang magkampeon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium.


Kinailangang magising ang Warriors ayon kay Coach Jerome Guhit sa second frame matapos ang mabagal na laro sa opener.


“We don’t play that fast. I had to tell them to slow things down, think about the game plan and how we really play,” ayon kay Guhit. “I’m glad we were able to pull it off, the level of talent in this tournament is high and it’s a huge help in the development of our players.”


Itinanghal si Isaiah John Roca ng UE na Most Valuable Player sa limang araw na torneo na inorganisa ni PNVF head Ramon “Tats” Suzara.


Unang naka-bronze medal sa battle-for-3rd place ang One Silay Sports na nagigitla rin sa kasagupa, pero umiskor sa huli ng 22-25, 32-30, 25-20, 25-19 na panalo kontra Umingan.


“We’ve been having some problem getting to fighting form at the start of matches here, we’re not used to cold playing conditions,” saad ni coach Ronald Premaylon. “It was disappointing to drop the first set, but I had no doubt they would raise their game after the difficult start.”


Si Ike Andrew Barelia, 20, ang umatake ng 30 points, at si Vin Mark Canoy, 19 ng 17 markers. “I’m very happy with our performance this week because we were able to execute our plans,” ani Premaylon.


Nakagawa ang 16-anyos na si Michael Angelo Fernandez ng 18 points, habang si Milson Janrey Galzote, 20, ay may 17 points sa Umingan VC.

 
 

ni MC @Sports News | Feb. 1, 2025



Photo: Umatake ng matinding spike si Carlo Laforteza ng Lingayen laban sa defenders na sina Vinmark Canoy at Anthony Munez ng ONE Silay sa laban nilang ito sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium. (pnvfpix)



Pormal nang pumasok ang One Silay sa semifinals nang talunin ang Lingayen sa isang makapigil-hiningang five-setter win, 21-25, 20-25, 25-17, 25-13, 15-12 kahapon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium.


Makaraan ang mga pagkatalo sa opening at second set, sinikap ng volleyball players mula sa Negros Occidental na doblehin ang gawing pag-atake at higpitan pa ang kanilang depensa sa huling tatlong sets para umiskor ng kumpletong pagbawi sa Group A.


Tinapos ng One Silay ang preliminary round sa bisa ng 2-1 win-loss record sa torneo na suportado ng Akari, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Cignal, OneSports, OneSports+ at Pilipinas Live. Ang Lingayen sa kabilang banda na tumalo sa Volleyball Never Stop (VNS), 25-21, 20-25, 25-23, 25-23 ay tinapos ang preliminary round sa 1-2 record.


Ang tanging pagkatalo ng One Silay ay mula sa mga kamay ng top team ng Mindanao na Zamboanga City, 22-25, 21-25, 21-25 noong Huwebes. Ang Zamboanga City na kasalukuyang undefeated sa dalawang laro ay tiyak na rin sa kanilang silya sa semifinals.


Kuwalipikado na rin ang University of the East (UE), sa semifinal spot at wala ring talo sa Group B hawak ang 2-0 slate sa torneo na inorganisa ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara, na siya ring Asian Volleyball Confederation (AVC) president at FIVB executive vice president.


Ang classification phase (No. 5 to  ay nakatakdang idaos ang laro ngayong Sabado simula ng 9 a.m., at 11:30 a.m. bago ang semifinal matches ng 2 p.m. at 4:30 p.m.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page