ni Jenny Rose Albason | June 17, 2023
Iminungkahi ng Office of Civil Defense (OCD) na gawin na lang national park ang mga permanent danger zones na nasa paligid ng mga active Philippine volcanoes, ito ay para protektahan ang mga residenteng naninirahan sa mga lugar na iyon.
Aminado si OCD Administrator Ariel Nepomuceno na tututol ang mga residenteng naninirahan sa mga permanent zones, at inaming may mga isyung maaaring lumabas ukol dito.
"Puwede bang ideklara na national park na lang iyan, hindi ba? Para bawal na talaga," ani Nepomuceno.
Giniit pa ng opisyal na nakakapagod umanong ilikas nang paulit-ulit ang mga tao na naninirahan sa paligid ng bulkan.