top of page
Search

ni Lucille Galon @Entertainment News | July 3, 2024



News

Nag-viral ang video na inilapit ng isang lalaki ang mukha niya kay Maraiah Queen Arceta o mas kilalang BINI Aiah na kabilang sa Nation’s Girl Group na BINI. Nangyari ito sa isang bar sa Cebu.


Kahit may kasamang bodyguards ang singer/dancer ay walang takot na nilapitan ng lalaki si BINI Aiah at halos idikit na nito ang mukha niya, dahilan para mapasabi si Aiah ng “Oh, my God”.


Ikinagalit ito ng mga fans at netizens. Narito ang ilan nilang mga comments: “Nagulat si Aiah, walang respeto. Know your limits people.” “PROTECT BINI FROM DISGUSTING MEN 5x (times).” “Parang inamoy n’ya si ate Aiah, bastos talaga.”


“Sa dami ng bodyguard, wala man lang sumuntok?” 'Kaloka! Kahit may mga bodyguards ay hindi natakot si kuyang bastos. Sey nga ni Direk Ramsay na naging meme noon, “‘Wag kang bastos!!!”

 
 

ni Levi Gonzales @News | September 13, 2023




Isang babae ang pinasok sa bahay at hinoldap habang nasa kalagitnaan ng kanyang live selling sa Laguna.


Ala-1 ng hapon nang maholdap ang biktimang si Agnes Serafica, 52, ng Sta. Rosa, Laguna.

Sa video, makikita ang pagpasok ng suspek na naka-helmet at may baril saka itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling.

Pilit umanong hinihingan ng pera ang biktima subalit dahil walang maibigay, ay alahas na suot na lang ang tinangay at ang cellphone.


Bukod sa lalaking nakita sa video, may kasabwat pa umano ito na naghihintay sa labas ng bahay at nasa motor.


Nasa pitong alahas umano at cellphone ang nakuha ng mga suspek na aabot sa P100,000 ang halaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kapitbahay pala ng mga biktima ang isa sa mga suspek na sumuko na.


“Lagi niyang nakaka-kuwentuhan ‘yung tatay ng biktima. Accordingly, nagkukuwento ‘yung tatay na may three million [pesos] daw sa kuwarto, nakatago. ‘Yun ang pinag-interesan base doon sa conversation at chat ng dalawang suspek,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Dwight Fonte, Jr.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 8, 2023




Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang taon ang driver's license ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nag-viral sa social media dahil sa pamamatok at pagkasa ng baril sa isang siklista na nakaalitan sa Quezon City kamakailan.


Kinumpirma ito ng LTO Central office kahapon.


Ang hakbang ay batay na rin sa rekomendasyon ng LTO-NCR na nag-imbestiga sa pangyayari.


Hindi pa naisisilbi sa ngayon ng LTO ang desisyon ukol sa revocation ng lisensya ni Gonzales.


Matatandaang hindi na humarap sa LTO-NCR noon si Gonzales nang ipatawag ito upang ipaliwanag kung bakit 'di dapat kanselahin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page