top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 26, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Inamin ni Dr. Willie Ong na binigyan na siya ng kanyang doktor ng 50-50 chance to live.

“It's 50-50, eh, 50 percent to live a few more months, a year, 50 percent, anytime baka hindi na huminga,” aniya sa panayam ni Jessica Soho.


Matatandaang kamakailan ay ipinaalam ni Doc Willie sa kanyang YouTube (YT) vlog na mayroon siyang sarcoma o abdominal cancer.


Aniya ay may nakitang sarcoma tumor ang kanyang mga doktor sa kanyang abdomen na may sukat (malaki) na 16x13x12cm. Hindi raw niya natuklasan ang tumor dahil nakatago ito sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang T10 spine.


Sa kasalukuyan ay nasa Singapore siya para magpagamot, subalit tanggap niya na walang kasiguraduhan ang kanyang paggaling.


“Parang walang kasiguraduhan na, eh, everyday is a blessing. I just live every day, I don’t think of next month, next year, I don’t think about owning money, doing this, or getting into a high position. I got the worst pain, it’s 10 out of 10, Jessica,” pahayag ng tinaguriang Doktor ng Bayan.


Ibinahagi niyang hindi sila nakatulog noong nakaraang gabi ng kanyang asawa na si Doc. Anna Liza Ramoso-Ong dahil sa kanyang pagsigaw sa sobrang sakit ng kanyang bukol.


Sa sobrang sakit nga raw ay naiisip na niyang mamatay na ngayon para hindi na siya mahirapan.


“If somebody told me he will give me Dormicum and let me sleep it off and die, okey na sa ‘kin. I would’ve taken it. Kaya siguro 'pag iisipin natin ‘yung mga euthanasia, kung talagang hirap na hirap na, eh, minsan sobra rin tayong mag-prolong ng life, baka ‘di naman talaga ‘yun ang mission,” aniya.


Ikinuwento rin niyang napapanaginipan na niya ang kanyang ina na pumanaw two years ago at tila kinukuha na siya.


“'Yung mommy ko sa dream ko, kinukuha na n’ya ako. She called me, ‘Willie boy, come to me!’ Parang sabi ng nanay ko, ‘You’ve done your job on Earth, ginawa mo ng 60 years,’” kuwento niya.


Aniya pa, kung anuman ang sasabihin ng doktor ngayon ay tatanggapin niya nang walang galit o takot.


“Kapag sinabing walang pag-asa, eh, di tapos, that’s it, pansit,” saad ni Doc Willie Ong.


 

EXCITED and super happy ang Sparkle artist na si John Clifford na napasama siya sa cast ng bagong youth-oriented series ng GMA-7 na MAKA.


Aksidenteng na-meet nga namin kamakailan ang 18-year-old tsinito boy from Cebu at hindi na kami nagtaka kung bakit siya napasama sa cast, he deserves the break dahil cute ang bagets at mukhang Korean idol.


At ang pinakabongga sa lahat, he’s a triple threat and a total package because he can sing, dance and act.


Actually, una siyang nabigyan ng pagkakataon sa Pepito Manaloto (PM) pero biggest break niya talaga ang MAKA since isa rin siya sa mga lead stars nito.


Magta-tatlong taon pa lang siya sa Sparkle at happy siya na sa dinami-dami nilang nag-audition sa show ay isa siya sa masusuwerteng napili.       


“Sobrang saya po talaga ako na ngayon may bagong show, kami nga po ‘yung MAKA, sobrang blessed po ako kasi talagang pinaghirapan po namin itong project na ‘to at super excited po kami,” sey ni Clifford.


Dagdag pa niya, “Itong MAKA, ito talaga ‘yung dream role ko, eh. Nu’ng ini-launch kami, sinabi ko talaga na gusto ko ‘yung show na parang musical. And then, nu’ng nalaman ko na ‘yung MAKA is a youth-oriented musical show, talagang sinabi ko na ‘Parang gusto ko ‘tong project na ‘to. Sana, mabigyan ako ng chance na maging parte nito.’”


Napapanood ang MAKA every Saturday at 4:45 PM. Kasama rin ni Clifford dito si Romnick Sarmenta at iba pang young Sparkle artists.


Samantala, medyo nakaka-recover na ang pamilya ni Clifford sa malaking pagsubok na nangyari sa kanila nang matupok ang isang bahay nila sa Cebu kamakailan.

Natupok lahat ng apoy at wala talagang natira. Dahil dito ay back to zero raw sila at parang nagsisimula ulit.


Ipinagpapasalamat na lang ni Clifford na hindi raw sila natutulog sa bahay na ‘yun, kaya walang napahamak sa kanyang pamilya. Pero ito raw ang kinalakhan nilang tahanan noong mga bata pa sila.


“Mahirap tanggapin kasi ‘yung bahay na ‘yun, minahal talaga namin ‘yun ever since bata kami. Lagi kaming nagpupunta du’n as in 3x a week. Sobrang meaningful sa ‘min ng bahay na ‘yun,” saad ni John Clifford.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Sep. 24, 2024



Showbiz News

Dream come true para kay Jodi Sta. Maria na makagawa ng pelikula sa Regal Films.

Ang aktres ang lead star sa horror film na Untold na isa sa huling tatlong pelikula na naiwan ni Mother Lily Monteverde sa Regal Films bago ito pumanaw.


Dumalo si Jodi sa Regal Legacy, A Majestic Journey 60 Years and Beyond last Saturday at sinabing finally ay nakagawa na rin siya ng movie sa Regal.


“I grew up watching talaga ‘yung mga Shake, Rattle & Roll, Regal Shocker, ‘yan na, nagka-reveal-an na ng age,” natatawang sabi ni Jodi.


“So, when I became an actor, sabi ko, sana, one day, I get to work with Regal Films and then, it happened,” dagdag niya.        


Pang-apat na horror film na raw niya itong nagawa in her career. Kung dati ay wala siyang mga ritwal sa tuwing gagawa ng nakakatakot na eksena, this time ay mayroon na raw dahil sa nangyari sa kanya nang gawin niya ang Clarita.


“In 2019, I did Clarita with Derrick (Cabrido, the director). After ng buong film, I think, ang daming nangyari sa ‘kin as a person, psychologically, and I had to take 2 weeks to 3 weeks off from work, du’n sa serye na ginagawa ko,” kuwento ng aktres.


Masyado raw siyang naging apektado ng mga ginawa niya sa film na kung anu-ano ang nakikita’t nararamdaman niya.


“I’ve been seeing things, dreaming of things, hearing things, ganyan,” aniya.

At na-realize rin daw niya kung bakit ganu’n ang nangyari.


“Looking back du’n sa experience na ‘yun, ano ‘yung mga bagay na na-miss out ko? Ano ‘yung mga bagay na ‘di ko nagawa na ‘di ko naalagaan ‘yung sarili ko du’n sa proseso?


“So, ang nagkulang sa ‘kin during that time was debriefing. So, hindi ko na-debrief ‘yung self ko habang ginagawa ko ‘yung character. So I felt like I was still the character kahit na I was doing other project that time,” aniya.


Ngayon ay natutunan na raw niya kung ano ang dapat gawin.


“So, ngayon, natutunan ko na before I go to set, I do a lot of prayer and meditation,” pagbabahagi ni Jodi.


“I also deliberately and consciously tell myself that this is not real, even though it is real emotions but everything else is imaginary, I am not my character, I am Jodi Sta. Maria,” sey pa ng aktres.


 

ALIW na aliw si Sharon Cuneta sa kumalat sa online na larawan ng isang handaan. 

Sa photo ay makikita ang buffet table at sa itaas nito ay nakalagay ang larawan ni Sharon na may marking na X which means “bawal magbalot.”


Ini-repost ng Megastar ang nakakaaliw na larawan at sa caption ay tawa siya nang tawa.

“Hahahahahahaha! When I see buffets with my “balutin mo ako…” picture it makes me happy!!’ Good morning!!! I love you, have a blessed day!!! (heart and praying emoji),” caption ni Mega.


Ang pagkaka-connect ni Sharon sa mga nagbabalot sa handaan ay dahil sa kanta niyang Bituing Walang Ningning, kung saan ay may linyang “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…”


Kaya naman sa tuwing may taong nagbabalot or nagte-take-out ng handa ay ito ang kanilang kinakanta bilang pangangantiyaw.


Noon pa ay tinatawanan na ni Sharon ang ideyang ito at minsan nga ay siya pa mismo ang nagbalot ng handa habang kinakantahan ang sarili ng “Balutin mo ako. . .”

Hahahaha!


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 14, 2022




Naaliw ang lahat kay Joey de Leon sa grand media conference ng Metro Manila Film Festival 2022 na My Teacher held last Monday na ginanap sa Winford Hotel. Binanggit niya kasi ang issue ni Alex Gonzaga kay Dina Bonnevie at bale ba ay katabi pa niya ang kapatid nitong si Toni Gonzaga na isa rin sa mga bida ng pelikula at the same time ay producer.


Isa sa mga naitanong kay Joey ay kung ano ang worst and best thing of being an actor in the industry. “Pinakamasarap na trabaho, eh,” sey ni Joey. “Huwag na ‘yung sikat ka, huwag na ‘yung malaki ang kita mo, marami kang nami-meet na mga idols mo at mga tao.”


Ang worst thing daw para sa kanya ay kapag nga may mga nale-late sa oras na katrabaho. At dito na nga niya nabanggit ang insidente nina Alex at Dina kung saan nga diumano’y tinalakan ng huli ang una dahil late ito sa taping ng pinagsamahan nilang teleserye.


“Sa akin, ‘yung sa time, eh, sabi nga nila, nang-aaway sila pag may nale-late,” aniya sabay-tingin kay Toni, “'yung kapatid mo, nabasa ko na naman. Luma na nga, eh. Si Mareng Dina.”


Napangiti na lang si Toni.


“Pinag-umpisahan nu’n, sa time, ‘di ba?” sey pa ni Joey.


Magaan pa nga raw ang ginawa ni Dina dahil siya raw, 'pag may nale-late ay nagwo-walkout siya.


“Sabi ko, ‘Wala ‘yan.’ Ako, matindi ako, 'pag may nale-late, nilalayasan ko ‘yung show,

ipinapasara ko,” aniya.


Ikinuwento niya ang dati niyang show na T.O.D.A.S. sa Channel 13 na natigil daw dahil sa

kanya.


“Nagalit ako dahil na-late ‘yung ibang cast. Sabi ko, ‘Tigilan na natin ‘to.’ Napatigil ko ‘yung show, wala silang magawa. Sabi ko, ‘Kaya wala ‘yan,’ ‘yang mga away-away na ‘yan sa late, nangyayari talaga ‘yan,” tsika ni Joey.


Ang importante raw ay mag-abiso lang kung male-late dahil may cellphone naman.

“At saka, ang importante, ‘yung time. On time ka dapat. ‘Wag mong sayangin ang oras mo at nu’ng iba,” payo pa ni Joey.


Samantala, after so many years ay balik-pelikula si Joey. Hindi na nga raw siya gumagawa ng pelikula dahil semi-retired na siya, pero pumayag siya sa My Teacher dahil nagustuhan daw niya ang kuwento na si Toni pa ang sumulat.


Bukod dito, alam daw niyang walang MMFF entry ang kaibigan niyang si Vic Sotto kaya hindi na siya nag-alangan na tanggapin ito. If ever daw na mayroon ay tatanggihan niya ito.


Mula sa direksiyon ni Paul Soriano, kasama rin nina Toni and Joey sa My Teacher ang magka-love team on and off cam na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Carmi Martin at marami pang iba, showing na this Dec. 25.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page