top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 27, 2024



Photo: BINI PH - Roldan Castro, FB / Circulated


Ang bongga naman ni Ogie Alcasid dahil ipinag-shopping niya ang BINI sa Los Angeles kamakailan.


Kuwento ni Ogie sa mediacon niya for his upcoming concert, OgieOke 2 Reimagined kung saan ay isa sa mga guests niya ang BINI, noon pa man daw ay natutuwa siya sa nasabing girl group at masaya siya na nasaksihan niya ang pagsikat ng mga ito.


Kung paano niya napapayag ang grupo at ang Star Magic na mag-guest ito sa kanyang concert, kuwento ni Ogie, “Actually, mayroon kaming collab na gagawin. It’s entitled Sige, Galaw, Galaw. Dapat ire-record na namin nitong November, pero hindi natuloy kasi nga, bigla silang nag-concert sa Araneta. So, medyo busy sila.”


Patuloy niya, “So, nakiusap sila na kung puwede ba na next year na namin i-record ‘yung collab. Sabi ko, walang problema.”


Next scenario ay nagkita raw sila sa Los Angeles for ASAP at biniro raw niya ang mga ito ng “Gusto n’yong mag-shopping?”


Siyempre, oo lahat ang mga girls at nagsigawan pa nga. Kaya binigyan niya raw ng pang-shopping.


“Natutuwa lang kasi ako sa mga batang ‘yan and I’ve always been a supporter of them. So their success is something that I’m blessed to see, to witness. So, natuwa lang ako. Parang regalo ko lang sa kanila ‘yun,” sey ni Ogie.


“Nu’ng tinanong ko kung puwede ba silang mag-guest (sa OgieOke 2), walang kaabug-abog, ‘Of course, we’ll adjust to your schedule,’” kuwento ng OPM singer.


Napakadali nga raw kausap ng handlers at management ng BINI kaya naman sobrang thankful daw niya.


“In fairness to them, hindi sila sumingil sa ‘kin. Parang ang sabi sa ‘kin, ‘Bahala na kayo,’” aniya.


“Baka ‘yung pang-shopping (na ibinigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ni Ogie.

“But no, of course, we allotted a talent fee for them,” sey niya.


When asked kung saan niya ipinag-shopping ang mga girls, sey ni Ogie, “I think, nag-Sephora (beauty and cosmetic shop) yata sila. Mahilig pala talaga sila sa make-up.”

Kakantahin ng BINI sa concert ni Ogie ang hit song nilang Salamin, Salamin at magdu-duet sila ng Dito Sa Puso Mo.


Ogie also revealed na magdu-duet din sila ni BINI Maloy ng bagong version ng Hanggang Ngayon.


Bukod nga sa collab nila ng BINI, ang isa pang bagong makikita sa OgieOke 2 Reimagined ay ang mga bagong arrangements ng kanyang mga hit songs.

“I’ll be singing mostly reimagined version of my songs. Marami akong ini-ready na mga bagong arrangements,” aniya.


Uulitin din daw niya ang performance niya sa Magpasikat 2024 kung saan ay tumugtog siya ng piano while singing.


 

PANAY ang pag-iikot ni Sen. Bong Revilla nitong mga nakaraang araw sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Cavite.


Kasama ang asawang si Cong. Lani Revilla at anak niyang si Agimat Partylist Representative Bryan Revilla ay naglunsad sila ng Relief Operations sa Bacoor, Cavite at makikita nga sa kanyang Facebook (FB) page ang mga tulong na naihatid na nila.


Caption niya in one of his posts, “Personal nating inihatid ang tulong sa mga kababayan natin sa Bacoor na naapektuhan ng kalamidad. 


Hindi magmimintis ang Alagang Revilla lalo na sa mga panahong tayo’y pinakakailangan ng ating mamamayan. Ibayong ingat po sa ating lahat!”


Bago ang bagyo ay masayang-masaya pa naman si Sen. Bong sa pagkakapasa ng kanyang anak na si Loudette Bautista sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa mga doktor.


Kaagad nga niyang ibinalita sa kanyang FB Live ang magandang balita the moment na natanggap nila ang resulta.


“I’m so happy for my daughter, Loudette. Talaga naman. Meron na tayong certified doctor, woohoo!” masayang wika ni Sen. Bong sa video.


“Thank you, Lord! Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa pamilya for my doktora.


“Grabe ‘yung board exam niya. Talagang. . . 2 weekends ‘yung exam, ‘yung pag-aaral niya, ‘yung pag-review ulit ng lahat ng natutunan niya bilang doktora,” sey pa ng aktor/pulitiko.


Aniya pa ay proud na proud siya sa kanyang mga anak na babae. 


“Meron na akong abogada, meron pa akong doktora na certified na rin. So, wow! Thank you, Lord,” sey pa ng mister ni Congw. Lani.


Makikita rin sa post ni Sen. Bong ang pagdalaw niya kinabukasan sa puntod ng kanyang mga magulang para ibalita rin ang pagpasa ni Dra. Loudette. 


“Daddy and Mommy so happy in heaven. May apo na silang doktora (praying and heart emoji),” caption ni Sen. Bong.


Nabanggit din kasi ng aktor na noon pa pangarap ng kanyang amang si former Sen. Ramon Revilla na magkaroon ng anak na doktor pero hindi nga ito natupad kaya at least ay natupad ito kahit sa apo man lang. Kaya bale si Loudette ang kauna-unahang doktora sa pamilya.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 15, 2024



Photo: Heart Evangelista at Albert Kurniawan - Instagram


Umani na naman nang katakut-takot na reaksiyon ang bagong post ni Heart Evangelista sa Instagram (IG).


Nagbahagi ang aktres-fashion icon ng mga larawan niya kasama ang kanyang Aspin dog na si Panda Ongpauco Escudero.


Sa mga larawan ay makikitang nakaupo sila ni Panda sa hagdan at sa bandang ibaba ay nakalagay naman ang Louis Vuitton bag ng aktres.


Sa caption ay tila may paglilinaw si Heart at sinabing hindi siya nagsinungaling.

“I didn’t lie…  I said ILY @pandaongpaucoescudero (3 violet heart emoji),” sey ni Hearty.


Tila nakuha naman ng mga followers niya ang kanyang ibig sabihin kaya kani-kanya sila ng reaksiyon.


“Ang ganda n’yo ni Panda d’yan, na-miss ko kayo. And yup missy, we know you didn’t lie. As your long time friend, I can attest to that. In this case, sure na sure ako na hindi ikaw ‘yung sinungaling at hindi mo kailangang magsinungaling. 


"Alam ko naman kung sino ang sinungaling without a doubt. Tandaan ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Batu-bato sa langit, ang tamaan, 'wag magalit #itiswhatitis …” sey ng kanyang kaibigang si Albert Kurniawan.


“Never explain yourself to anyone because the person who dislikes you won't believe it. You have a beautiful heart and a beautiful soul, always remember that,” komento naman ng isa niyang follower.


“Heart is Heart, nagpapakatotoo lang, ‘di ‘yung tahimik pero nasa loob ang kulo. Iba mag-uusap para nga naman masabing tahimik lang s’ya at ‘di nagpaparinig,” sabi naman ng isa pa.


“Of course, dito kami sa legit fashion icon (red heart emoji) at hindi nagde-delete ng comments. Honesty is the best policy kaya, ‘di ba?” sey pa ng isa niyang fan.

Hinuhulaang may kinalaman sa Victoria’s Secret (VS) issue ang post na ito ni Heart dahil isang fan ni Pia Wurtzbach ang inaakusahan siyang nagkukunwari lang na naimbita ng nasabing brand.


Matatandaan kasing inilabas ni Heart sa kanyang IG ang invitation ng Victoria’s Secret Fashion Show in New York pero tinanggihan niya ito at sinabing she needed to stay home.


Ayon sa fan ni Pia, hindi raw totoong invited si Heart dahil ang Miss Universe lang daw ang ‘one and only invited’ ng nasabing brand. 

Well, let’s see kung hanggang saan hahantong ang giriang ito nina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista, pati na ng kani-kanilang mga fans.


 

Kahit hirap na hirap dahil mahiyain…

JM, NAHAWA NA SA GF NA SI DONNALYN, VLOGGER NA RIN


Donnalyn at JM De Guzman - FB

DAHIL nga content creator ang girlfriend niyang si Donnalyn Bartolome, natututo na rin si JM de Guzman na mag-vlog at yakapin ang mundo ng kanyang dyowa.

May YouTube (YT) channel na nga ang aktor ngayon at gumagawa na rin ng sariling content.


Aminado naman si JM na bilang mahiyaing tao by nature, talagang hindi naging madali sa kanya ang pagba-vlog.


“I’m still learning. Bago pa lang ako sa content creation,” sey ni JM sa mediacon ng pelikula nila nina Lovi Poe at Jameson Blake na Guilty Pleasure (GP).


Challenge nga raw sa kanya ang content creation dahil siya ‘yung tipo ng tao na hindi masyadong ma-express ng sarili.


“Ako kasi, medyo hindi ko kayang i-portray masyado ang sarili ko, eh. Okay ako mag-portray ng ibang characters, pero kapag sarili ko na, medyo dyahe,” sey niya.


Pero dahil love niya siyempre si Donna kaya gusto rin niyang matutunan ang ginagawa nito.


Anyway, first time ni JM na makatrabaho si Lovi sa GP na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong October 16 mula sa Regal Entertainment at bagong produksiyon ng aktres na C’est Lovi Productions.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 28, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang level (or shall we say, premium?) ng pagiging global icon ni Heart Evangelista.


Bongga ang mga rampa niya sa Milan Fashion Week (MFW) at sa Paris Fashion Week (PFW).


Umawra-awra siya para sa Versace at Dolce & Gabbana, kung saan nandu’n din si Madonna. At super-bongga ng mga isinuot niya na tiyak na mahal ang presyo.


At ngayon, mukhang dahil kay Heart ay naging familiar na ang lahat sa mga luxury brands. Maraming mga Pinoy daw na mapepera ang laging nag-aabang sa mga isinusuot niya at saka nagpapabili sa mga online sellers.


Kaya naman, dapat magpasalamat ang mga luxury brands kay Heart dahil hindi lang sa bansa nagkaroon ng awareness ang mga items nila, kundi ganu’n din sa iba pang bansa sa Asia.


No wonder, ang daming endorsements ni Heart Evangelista ngayon at siya na talaga ang Queen of Fashion.


 

KALIWA’T KANAN na pasabog ang tinutukan ng mga manonood sa mas umiigting na mga rebelasyon sa kontrobersiyal na buhay ni Rafael (Piolo Pascual) sa ABS-CBN teleseryeng Pamilya Sagrado (PS) ngayong linggo.


Nagkaroon ng major plot twist sa serye matapos bumitiw bilang presidente si Rafael at inaming inosente si Moises (Kyle Echarri) sa mga krimeng ibinibintang sa kanya. Pero hindi pa pala makakamit ni Rafael ang tinatamasa niyang mapayapang buhay dahil nalaman niyang bago patayin si Cristine (Bela Padilla), ang kabit niya noon na labis niyang minahal ay nanganak ilang buwan bago ang krimen.


Dahil sa kaso ni Cristine, maaaring maging daan ito sa pagdiskubre ni Rafael sa katotohanang magbabago sa kanyang buhay — na si Moises pala ang anak niya kay Cristine.


Magdudulot naman ito ng mas malaking sigalot sa pamilya Sagrado dahil titindi ang selos ni Justin (Grae Fernandez) kay Moises at magiging marahas si Jaime (Tirso Cruz III) laban kay Rafael para mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pulitika. 


Mapapanood ang PS mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. 


Napapanood din ang mas maikling mga episodes tampok ang pinakamaiinit na eksena sa Pamilya Sagrado Fast Cuts sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel.


 

LAST September 26, 2024, nagsama-sama ang main cast ng Zoomers na sina Harvey Bautista, Krystl Ball, Ralph de Leon, Luke Alford, and Criza Taa at creative producer na si Direk Theodore Boborol para sa Star Magic’s Spotlight presscon. 


Pinarangalan ang digital youth-oriented series bilang ‘Best Asian Short-Form Drama/Series’ sa ContentAsia Awards sa Taipei, Taiwan at personal na tinanggap ng creative director ng Zoomers na si Direk Boborol ang nasabing parangal. 


“Who would have thought! Kasi we’re supposedly just an online show and mga baguhan. And then biglang Best Asian Short-Form series. I feel pride for the creative team, for the directors and the cast and I’m hoping na ‘yung award na ‘yan, it will inspire them, na there is no small project or big project. Just put your heart into it, mapapansin ka at mapapansin ka,” ibinahagi ni Direk Theodore. 


Mapapanood sa Zoomers ang mix ng bago at familiar faces na mga teen actors. Isa na rito si Harvey Bautista na kilala mula sa Goin’ Bulilit (GB) hanggang sa kanyang special role sa Pamilya Sagrado (PS) at appearance sa High Street (HS). Gumaganap si Harvey bilang Jiggs sa series na Zoomers.


“I’m very proud of this cast and for me it's still very overwhelming. It’s still very scary for me getting all the attention na I’m not used to it. But I’m still grateful for the opportunities that have come for me this year,” sey ni Harvey.


Acting debut ni Krystl Ball na gumanap bilang ‘Tania’ na parte ng isang girls’ love storyline kasama ang kanyang fellow Star Magic artist na si Kei Kurosawa.


“I was struggling talaga with the script, everything, nagpatulong ako sa mga classmates ko kasi I have no experience at all but of course, I saw my improvements with my Tagalog, acting, facial expression. I’m hoping for my next project na I’ll be more confident and hopefully, I get to play roles other than what I played in Zoomers,” sagot ni Krystl. 


Ipinakilala rin ng Zoomers si Ralph de Leon, isang multi-talented athlete, host, at actor na ginagampanan ang character na si ‘Atom.’ Napanood din siya sa HS, kung saan ang kanyang character ay kasama sa love triangle na parte ang character ni Xyriel Manabat.

Isa rin sa main cast si Luke Alford bilang si ‘Kokoy’ na una nating nakilala sa The Voice Kids (TVK) at PBB: Kumunity Season 10, gayundin ang actress- influencer at dating PBB housemate na si Criza.                            


Makikita ang talent at dedication ng team ng Zoomers, mapa-likod o harap man ng camera. Patunay ito na nararapat sila sa pagkapanalo ng international award at marami pang dapat abangan sa lahat ng cast.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page