top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 11, 2021




Aminado si Robin Padilla na wala siyang laban sa mga kalaban niya sa pulitika pagdating sa talino pero talo niya naman daw ang mga ito sa ibang bagay.


“Wala akong sikat sa mga kalaban kong beteranong pulitiko pagdating sa paandaran at patalinuhan. Pero pagdating sa paguwapuhan at sa pag-ibig lalo sa pagmamahal, kakain sila ng alikabok sa akin,” sey ni Binoe sa video na ipinost niya sa Instagram kahapon.


As we all know ay kumakandidato si Binoe sa pagka-senador ngayong 2022 elections.


Ayon sa aktor, kapag natalo siya ay mananahimik na siya at hindi na mag-iingay kahit kailan.


“Manalo ako, may pag-asa ang taumbayan. Matalo ako, tatahimik na po ako at hindi na kailan pa mag-iingay para hindi na makaantala sa nais ninyong paroonan,” aniya.


Ang importante raw ay hindi lang siya basta naupo at nanood na lamang sa mga nagaganap sa bansa.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 10, 2021




Matapos ang kanyang deklarasyon last Thursday na hindi na siya tatakbo sa 2022 elections, the following day, sa kanyang Wowowin show ay maaliwalas ang mukha ni Willie Revillame at parang nabunutan ng tinik, pagpapatunay na talagang masaya siya sa naging desisyon niya.


At hindi lang si Willie ang nabunutan ng tinik kundi maging ang kanyang mga staff sa Wowowin.


Kuwento nga niya, ilaw araw bago siya nag-announce ay malungkot ang mga ito dahil akala raw ay mawawala na ang show.


“Bago ako magsalita kahapon, ilang araw silang nangangamba at ilang araw silang… akala nila, magpapaalam na ‘ko tonight. So, lahat ho sila, medyo malungkot,” kuwento ni Willie.

Hanggang sa bandang huli nga ay nag-iyakan na raw ang mga ito at nagtatanong kung ano na ang magiging trabaho nila at kung paano na raw sila.


“Hindi, dito pa rin kami. Dito pa rin ang programang ito. Hindi mawawala ito hanggang may nalulumbay at nalulungkot,” paninigurado ni Willie.


At para lalong matuwa ang mga staff ay bibigyan niya raw ng bonus ang bawat isa.

“Lahat may bonus! Share your blessings, ‘di ba? Lahat kayo, bibigyan ng bonus,” deklara niya sa staff.


Samantala, lubos ang pasasalamat ng TV host sa suporta ng taumbayan sa kanyang naging desisyon. Dito nga niya lalong na-realize that he made the right decision.


“Overwhelming po ‘yung naging response. Salamat Lord, maraming salamat. Thank you po at I made the right decision because kailangan kong tulungan ang sarili ko.


“Kailangan, alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko, dahil kapag niloko ko ang sarili ko, niloloko ko na kayong lahat.


“Ang totoo niyan, hanggang dito na lang ho muna ako. Mahirap kasi ‘yung wala kang mai-contribute tapos ‘Ibinoto ko ‘yan, wala naman palang kuwenta ‘yan.’ Ang sakit ho nu’n, ‘di ba? Masisisi ka pa,” sey ni Willie.


“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng magagandang mensahe, sa mga nag-text, sa mga nag-email, lahat, lahat-lahat,” seryoso niyang wika.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 09, 2021




Nag-file na nga ng kanyang COC (Certificate of Candidacy) si Arjo Atayde kahapon (October 8) sa Comelec NCR Office in Intramuros, Manila. Kakandidato ang magaling na aktor bilang congressman sa 1st District ng Quezon City.


Sinamahan si Arjo ng kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde at ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagpa-file. Tatakbong independent ang aktor.


"Itong pandemya, ang dami kong na-realize na mga bagay-bagay, and this time, I have to act not as an actor but I have to act bilang serbisyo sa ating mga taga-Distrito Uno,pahayag ni Arjo sa mga reporters.


Aniya, ang pandemic ang talagang nagtulak sa kanya para pasukin ang pulitika.


“If I told you right now that I had interest in running for politics since I was in high school, no one would believe, kasi ‘di ba, ngayon lang talaga ako nagpakita?


"The COVID situation has really pushed me to the limit of going for it. Because sabi ko nga, kailan at paano?” he said.


Ayon pa sa aktor, ang kailangan daw natin ngayon ay mga leaders na may malasakit sa kapwa at hindi lang basta may kaalaman.


“Pero this time, you know, given reality, I think more than dreams, more than the knowledge, we need leaders who have dignity, the heart, malasakit sa kapwa. ‘Yun po talaga ang importante and that’s what everyone needs to do.”


Nabanggit din ng aktor sa panayam na ang kanyang pagtakbo ay suportado ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.


“Magulo po itong pinapasok natin and I’m just very happy that I have a supportive girlfriend,” he said.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page