top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 18, 2022




Patok na patok ang first live selling ni Mariel Rodriguez sa kanyang Facebook at Instagram last Tuesday night.


Ibinenta ni Mariel ang kanyang mga pre-loved luxury items tulad ng bags, sapatos, children’s dresses at marami pang iba.


Super-hit ang live selling dahil napakarami talagang nanood. Sobrang 'kaaliw si Mariel dahil talaga namang ang taas ng energy niya habang nagbebenta.


Pero ang mas nakakatuwa ay ang pagko-comment ni Robin Padilla sa comment section habang nagla-live selling ang kanyang misis. Obviously ay nanonood siya na ewan kung nasaang lugar siya that time.


Isang komento ni Binoe, “Bakit ka mag-live selling? Pang-tarpaulin ba 'yan at pang-t-shirt? Hindi na kaya ng Cooking Ina food market ang gastos?”


Maya-maya ay nag-comment na naman siya.


“Babe, gastos pala sa kampanya ang solusyon para lumuwag ang dressing room mo,” sey ni Binoe.


“My goodness babe. Ang mga memories natin na sinasabi mo, 'and'yan sa mga bag na 'yan. Desperate Times Call for Desperate Measures,” sey pa ng action star na ngayon ay tumatakbong senador.


Habang tumatagal ay si Binoe na ang sumusuko sa ginagawa ng asawa. Makikita naman kasi talaga na pagod na pagod na si Mariel at hinihingal na dahil nga ang taas ng energy niya.


“Babe, awat na. Sapat na siguro 'yung naipon mo,” komento ni Robin.


Halatang hindi masyadong tanggap ni Binoe ang ginagawang live selling ng asawa. Sey pa niya, “Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa mo ito.”


Isa pang comment niya, “What wife can sacrifice in the name of support.”


Sey pa ulit ng aktor, “Mabigatan na 'yan, ah, pati mga nasa baul, lumabas na. Ano ba 'yan, babe, pang-TV ad ba 'yan?”


Heto pa, aniya, “Babe, hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon. Nakakuwadro ang mga gamit mo na 'yan. Mas nahihimas mo pa nga sa akin ang mga bag at sapatos mo.”

Halata ngang hindi makapaniwala si Binoe dahil sey pa niya ulit, “Unbelievable.”


Nabasa ni Mariel ang comment na ito at sinagot niya ang mister. “Naku, Babe, ‘wag ka nang mag-ano diyan.” Hahaha!


Sinasagot din naman ng mga netizens si Robin at sey nila, dapat ay matuwa siya na napakasipag ng kanyang misis.


Inabot nang madaling-araw si Mariel sa pagla-live selling pero super-successful naman dahil nabili halos lahat ng kanyang items. Kaya naman kinabukasan ay nag-post siya ng pasasalamat.


“Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan n'yo ang bagsak-presyo items from my hoarding days. Thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefully I can find more items here, hahaha, and we will have a part 2 because I know may maibubuga pa ako. In the meantime I ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls. bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!” ani Mariel.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 13, 2022




“From now on, GOOD VIBES ONLY!!!” ang pangako ni Sharon Cuneta sa kanyang mga Instagram followers matapos ang litanya niya kay senatorial aspirant Sal Panelo sa pagkanta nito ng kanyang hit song na Sana’y Wala Nang Wakas sa isang event ni Davao City Mayor Sara Duterte.


Ikinagalit ni Shawie na ginamit ang kanta niya sa kampanya ng ibang kandidato dahil pinapayagan lang daw niya itong gamitin sa kandidatura ng tandem ni VP Leni Robredo at ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan.


Katakut-takot na bashings ang natanggap ni Sharon dahil dito at sa paningin nila ay madamot at masama ang ugali ni Megastar na hindi puwedeng kantahin ng iba ang kanyang kanta.


Nababawan din ang mga netizens na ikinaimbiyerna ni Sharon na kinanta ang awitin niya sa kampanya ng iba. Para i-post pa ito sa social media and called out the person, na-OA-yan sila kay Mega at hindi raw nila akalaing napaka-petty daw pala nito.


May nagsabi pang lumabas na raw ang tunay na ugali ni Sharon na hindi naman daw pala talaga mabait at nagbabait-baitan lang.


Sa ngayon ay burado na ang litanya ni Sharon kay Panelo at nangako ngang good vibes na lang daw ang kanyang ipo-post.


Pero ayaw pa ring tumigil ng mga bashers at ang dami pa ring negative reactions sa kanya.


“I'm a fan of yours but after your statement about Mr. Panelo. Nah!!! Yoko na! You reveal your true identity! Viva Records owns that song! And yes, from now on, gv's only because if you open your filthy mouth, you'll be bashed again. Not a hater but I'm just sad about your statement!” komento ng isang netizen na nagke-claim na dati siyang fan ni Sharon.


Actually, marami pang ganyang comments na tipong fans daw sila dati ni Sharon pero dahil sa post na ‘yun ay na-turn-off na sila kay Mega.


Nakaka-sad naman for Sharon. Pero if it’s any consolation, at least ay hindi siya na-cancel ng mga netizens. Although, muntik na talaga.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 13, 2021




Nasa bansa na nga si Sharon Cuneta mula sa short vacation sa Amerika. Ayon sa kanyang latest Instagram post, umuwi siyang masaya pero mabigat ang loob dahil naiipit daw siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato.


“I come home with a happy, but heavy heart. Two men I greatly love - one whom I have known since birth, and the other, one I exchanged solemn vows with twenty-five years ago, are about to vie for the second highest position in the country, and once again, I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks,” ang simula ng post ni Megastar.


Wala man siyang pangalang binabanggit, it’s obvious na ang tinutukoy niyang maglalaban sa 2nd highest position in the country ay ang kanyang asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at ang kanyang tito na si Senate President Tito Sotto na parehong tumatakbong vice-president ng bansa ngayong 2022 elections.


Ka-tandem ni Tito Sen si Sen. Ping Lacson para naman sa presidential race, habang si Sen. Kiko naman ay si Leni Robredo ang running mate.


Of course, understandable na nahahati talaga ang kanyang puso ngayon since kailangan niyang mamili kung sino sa dalawa ang kanyang susuportahan at iboboto.


“What could I, can I do? I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us,” patuloy pa niya.


Sa huli ay hiningi niya ang guidance ng Panginoon para tulungan siya sa mabigat na pagsubok na ito.


“It is most difficult for us in the periphery, who never imagined we would be in this position. May God bless us all. May God help me through this trying period…Please pray for all of us…,” ang pagtatapos ni Shawie.


Anyway, ikinagulat naman ng maraming netizens ang sumunod na post ni Megastar na latest photo niya dahil kapansin-pansin na ang laki na naman ng kanyang ipinayat.


“Quarantine, Day 1. I lost 12 lbs. in a month, without trying. My top is now a Medium, a size 38 or 8, but my bumbum will only wear a size 10-12,” caption ni Sharon.


Isa rin kaya sa mga dahilan ng kanyang pagpayat ay ang dilemma niyang dinadaanan ngayon sa pagpili ng susuportahan niya for the vice-presidential race?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page