top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 25, 2022



Sa nasabing Pasay rally pa rin ay dumalo rin si Diamond Star Maricel Soriano na vocal din sa pagiging Kakampink.


Si Sharon Cuneta mismo ang nagpakilala sa kanya at ang ganda ng introduction ni Megastar.


“I volunteer to do this introduction kasi karapat-dapat lang. Una, napakaespesyal na panauhin siya. Pangalawa, dare I say, iilan lamang po ang tunay na reyna sa pelikula.


“Eto na po ang ating kaibigan. Kung ang tawag po sa akin ay Mega, heto naman ang aking at ating Diamond Star, Miss Maricel Soriano!” ang intro ni Sharon.


Nang magsalita si Maria sa stage, mismong ang mga netizens ang nakapuna na si VP Leni lang ang in-endorse ni Maria at ni hindi binanggit ang asawa ni Shawie na si Sen. Kiko Pangilinan na ka-tandem ni Robredo at tumatakbong VP.


Sabi nga ng isang kausap namin, “Ang ganda pa naman ng intro ni Sharon sa kanya, tapos hindi man lang niya binanggit si Kiko.”


Well, puwedeng hindi lang niya nabanggit or puwede ring iba ang iboboto niyang VP.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 24, 2022



Nakakaloka na pinagtripan ng mga netizens ang Instagram post ni Gabbi Garcia na mga larawan sa naganap na wedding ng barkada nilang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia, last April 20.


“Pat & Ae’s wedding day, nothing but overflowing love and joy for these two!” ang caption ni Gabbi sa mga larawan nila sa wedding.


Sa comment section ay hinahanap ng mga netizens sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na malapit ding kaibigan nina Patrick at Aeriel.


Ang iba pang close friends ng couple na nakadalo sa wedding ay sina Dominic Roque, Khalil Ramos, Ria Atayde, Sam Concepcion, Gabbi Garcia, Julia Barretto at Issa Pressman.

Sunud-sunod ang tanong ng mga netizens sa comment section kung bakit wala ang KathNiel at kung anu-ano na ang mga in-assume nila. May nang-intriga pa na nandu’n daw kasi si Dominic na noon pa’y nababalitang kaalitan ni Daniel.


Maging si Gabbi ay halatang nawindang sa dami ng komento ng mga netizens sa absence ng KathNiel kaya sumagot na siya ng “This post is for Pat & Ae, our newlyweds. Mahiya naman po kayo.”


Sumagot din ang boyfriend ni Gabbi na si Khalil ng “Respeto na lang, guys, eh. Mahirap ba ibigay 'yun?”


Hindi na rin nakatiis ang groom at sumagot na. Ipinaliwanag niyang nasa locked-in taping ang KathNiel kaya hindi nakadalo sa wedding.


“Pinagsasabi mo? Nasa locked-in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. 'Wag asawa ko,” sagot ni Patrick na halatang naiinis.


May mga netizens na ayaw maniwala sa paliwanag ni Pat. Komento ng isa, “Puwede ba 'yun? Best friend mo, wala sa pinakamahalagang araw ng buhay mo? C'mon, 'wag kami, don't fool us!”


Sinagot din ito ni Pat. Aniya, “Really? Kasi po nasa bahay lang ako ni DJ a week before the wedding. Ako pa (ang) nagpaalam sa director nila if puwede silang payagan kahit for 1 day lang, pero hindi talaga. And we understand. Bida sila sa show nila, sila ang pinaka-busy.”


Hindi lang ang KathNiel ang inintriga ng mga netizens kundi pati si Bea Alonzo. Tinatanong nila si Dominic kung bakit hindi nito kasama ang girlfriend at nag-assume na baka dahil naroroon si Julia B.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 22, 2022



Para kay Xian Lim, mas okay na pag-usapan muna talaga ng mag-partner o magkarelasyon ang lahat ng mga issues kabilang na ang financial matters at pre-nuptial agreement bago lumagay sa tahimik.


“I strongly believe na dapat pag-usapan talaga lahat ng bagay at dapat plantsado lahat ‘yan before pumasok (sa pagpapakasal) at you take that leap of faith, in having a baby or even getting married,” ani Xian sa virtual mediacon ng first teleserye niya sa GMA-7 na False Positive na magsisimula na ngayong May 2.


“Dahil baka kasi kapag hindi pa plantsado lahat — I mean, this is just my opinion, iba-iba naman ang rason ng tao, eh — but I think na parang, you don’t want na 'yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, 'pag once nandu'n na kayo sa point na 'yun at magkakagulo kayo, and it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.


“Personally, I don’t want na umabot sa point na 'yun. But I think dapat plantsado. I think, the bank accounts, and how you will settle bills,” he said.


“Dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage,” sey pa niya.


Naniniwala rin si Xian sa sinabi ng American TV host na si Steve Harvey na: “Every couple needs 4 bank accounts.”


Aniya, “I’m sure, some people may or may not agree, one (savings account) to pay the bills, one is savings for the couple and one for you and one for her.”


Napaka-smart daw ng ideya dahil nga hindi naman biro ang pag-aasawa talaga.


“I think, entering something na ganu'n kalaki needs proper planning and mapag-usapan nang maigi,” sambit niya.


But sa kaso naman daw nila ng girlfriend na si Kim Chiu ay hindi pa naman nila napag-uusapan ang mga ganitong bagay since hindi pa raw sila ready to settle down.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page