ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 28, 2022
Nag-trending agad ang balitang Kakampink si Sarah Geronimo matapos kumalat noong Lunes ang isang screenshot ng Instagram Story na diumano’y mula sa Viva Artists Agency, ang management ni Popstar Royalty.
Sa nag-viral na screenshot ng IG Story ay makikita ang kalahati ng mukha ng isang babae na obviously ay si Sarah. Naka-pink lipstick ito at kita rin ang t-shirt na suot na kulay pink. Sa itaas ay nakalagay ang logo ng VAA.
“Papunta pa lang tayo sa exciting part,” ang nakasaad sa ibaba ng larawan.
Nagbunyi agad ang mga Kakampink dahil tila pahiwatig ito na Kakampink si Sarah at sinusuportahan si Vice-President Leni Robredo sa pagka-pangulo ngayong May 9 elections. They also thought na legit ito since may logo ng VAA, pero fake news pala ito.
Last Monday night ay nagbigay agad ng official statement ang VAA hinggil dito na ipinost sa kanilang Instagram. Ayon sa talent management ay ‘altered’ ang nasabing screenshot at never silang nag-post ng ganito.
“A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency ('VIVA').
“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account,” pahayag ng VAA.
Sa caption ay pinaalalahanan din ng talent management ang lahat na i-follow sila sa kanilang official social media accounts.
“OFFICIAL statement from Viva Artists Agency. Please follow us on our official social media accounts,” caption ng VAA.
Natuwa naman ang ibang fans ni Sarah na hindi totoo ang balita dahil ayaw nilang makigulo pa sa pulitika ang kanilang idolo.
“SG has not endorsed anyone for a long time now. Let it stay that way. Iwas n'yo na siya sa gulo ng pulitika,” komento ng isang netizen.
Back in 2010 ay inendorso ni Sarah ang tandem nina Manny Villar and Loren Legarda for the presidential election, at ang senatorial bids nina Ed Angara in 2007 and Sonny Angara in 2013.