ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 12, 2021
Isa rin pala sa mga artistang tinamaan ng COVID-19 ang young actress na si Heaven Peralejo. Ini-reveal niya ito sa kanyang Instagram post last Saturday at sa latest vlog niya sa YouTube.
Sa kanyang vlog ay ibinahagi ni Heaven ang naging journey niya sa nasabing killer virus and the good news is COVID survivor na siya ngayon which means magaling na siya.
“One of the toughest challenges I have dealt with during this pandemic is personally getting tested positive for Coronavirus.
“I'd like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty.
“And to everyone else, this video is to provide awareness that COVID is real and it should be taken seriously.
“I am now a COVID-19 survivor. Sending my love & prayers to everybody going through these difficult times,” pahayag ni Heaven.
Sa bahay lang nag-quarantine si Heaven at makikita sa kanyang vlog na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan dahil humina talaga ang oxygen level niya at dumating sa point na hindi na siya halos makapagsalita at nahihirapan siyang huminga.
Si Heaven na mismo ang nagkabit ng kanyang oxygen support but in the end, talagang kinailangan niyang magpa-confine sa ospital dahil may problema raw siya sa puso.
“So, after consulting with my doctors and talking to my family, we have decided to go to the hospital. Thankfully, we found a hospital and ABS-CBN provided us with an ambulance,” pahayag ni Heaven.
Sa kanyang vlog ay nabanggit din ng young actress na labis siyang naapektuhan ng bashings sa kanya recently.
Isa nga sa mga akusasyon lately sa kanya ay siya raw ang dahilan ng breakup nina Devon Seron at Kiko Estrada.
“To be honest, last night parang nasaan na ‘yung will to live? ‘Coz you know, sa totoo lang, I’ve been through a lot of bashings and I don’t know, may effect pala siya. And ngayon lang siya nagsi-sink-in sa akin lahat since I’m all alone,” sey ni Heaven.
Dagdag pa niya, “I’m just saying na you know, words, even if it’s not true, it still affects, naapektuhan pa rin ako to be honest. And ngayon ko lang io-open up ‘tong issue na ‘to.”
Bagama’t nakikita raw nating parang masaya siya sa social media, deep inside ay nasasaktan daw siya.
Sa sobrang dami raw ng mga nangyayari sa kanya ay parang nawawalan na siya ng ganang mabuhay. Pero pinayuhan daw siya ng kanyang mga friends at binigyan ng encouragement.
“Sa lahat ng nangyari sa akin within these past few weeks and days, issues, problems, and you know, everything, COVID, work, life basically, natutunan ko ru’n is how you rise up, I think that’s one lesson I got from everything that’s happening right now,” she said.