top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 1, 2022



Kinukuyog na naman ngayon ng mga bashers si Kim Chiu dahil sa tweet niya last Friday. Ini-repost ni Chinita Princess ang isang article kung saan ay nakasaad na tumanggi ang spokesperson ni Bongbong Marcos na si Vic Rodriguez sa hamong one-on-one debate kay BBM ni Vice-President Leni Robredo.


Sa caption ay tinanong ni Kim kung bakit laging ang spokesperson ang sumasagot for BBM.


“Uhm, curious lang po? Bakit parang mas si Sir Spokesperson 'yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? Sha (siya) po ba 'yung tatakbo? 'Di ba, campaign period pa lang?


“Dapat 'yung nag-a-apply 'yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW,” tweet ni Kim at nilagyan ng hashtag na “no bashing” and “just curious.”


Sa comment section ay marami ang sumagot na ‘yun daw kasi ang trabaho ng isang spokesperson.


“Kaya nga tinawag na spokesperson! Ano ba naman 'yan, Kim Chiu, mindset ba, mindset,” sagot ng isang netizen.


“Unang-una, Kim, your hashtags doesn't (sic: don't) fit in your tweet, mag-read between the lines ka! Pangalawa, alamin mo ang trabaho ng spokesperson. Ayan ka na naman, banat ka nang banat, 'di ka muna mag-isip. How many instances na nga that you are being careless on what you're saying?” sey naman ng isa pa.


Pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya especially ang mga kapwa niya Kakampink at nagsabing may punto naman si Kim sa pagtatanong.


“Actually, valid din naman 'yung question from KIM CHIU. Sometimes, we have to hear from the concerned party himself because we want to know it straight from his mouth. This is timely and a relevant question also! RESPECT!!! @prinsesachinita,” pagtatanggol ng isang netizen kay Kim na sinagot ng aktres ng “Thank you po.”


At siyempre, naglabu-labo na rin ang mga supporters ni BBM at ni VP Leni at nag-away-away na rin sila sa tanong na ni-raise ni Kim.


Kahapon ay muling nag-tweet ang aktres at tinatawanan na lang niya ang mga bashings and comments sa kanya. Biro pa niya, ready na siya sa ‘renewal of bash.’


“Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha! Wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels. Bahala kayong magkagulo d'yan! 'Yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. Hihihi (P.S. Nami-miss ko na mag-peace sign)- Kim Chiu,” tweet ni Kim.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 30, 2022



Mukhang unti-unti na ring nakaka-move on si Kylie Verzosa sa breakup nila ni Jake Cuenca. She really had to in the first place dahil alangan namang magmukmok siya forever.


Although sa recent interview ay inamin niyang masakit pa rin ang nangyari but she’s trying to find ways to cope up.


Sa Instagram Story ni Kylie ay ini-repost niya ang isang art card mula sa @mentalhealthmattersph na naglalaman ng napakagandang quotes about breaking-up na tila sumasalamin din sa kanyang nararamdaman.


Nakasaad dito na hindi natin kontrolado kung gaano katagal tayo mamahalin ng isang tao pero ang tanging magagawa lang natin ay matuto mula rito at tanggapin ang katotohanan.


“The truth is, we won't always end up with those we feel something deep and meaningful with. Some chapters of our lives are full and dizzying in the best way with concrete endings and concrete closure.


“But some chapters end quickly, sometimes in the middle of the page, sometimes before we are even ready. We cannot control what comes to fruition in our lives.


“We cannot control how long someone chooses to love us; we cannot control how long someone chooses to stay.


“At the end of the day, all we can do is learn from the endings, all we can do is embrace the fact that for a moment in time, we felt something beautiful.


“For a moment in time, we felt something rare,” ang nakasaad sa art card na ipinost ni Kylie.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 29, 2022



Once and for all ay sinagot ni Vice Ganda ang akusasyong kaya si Vice-President Leni Robredo ang sinusuportahan ng karamihan sa Kapamilya stars ay dahil sa gusto nilang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.


Sa live episode ng It’s Showtime last Wednesday ay napag-usapan ang prangkisa ng ABS-CBN habang kinakapanayam nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang Tawag ng Tanghalan contestant na si Dan Concilles.


Ang kinanta ng contestant ay Sabihin Mo Na kaya naitanong ni Vice Ganda kung ano ang nais niyang sabihin sa susunod na presidente ng Pilipinas ngayong nalalapit na ang halalan sa ika-9 ng Mayo.


Ang sagot ng contestant ay sana raw, bumalik na ang trabaho ng marami at binanggit na nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN ay nawalan din sila ng saya.


Dito na nagsimulang magsalita si Vice about the issue.


“Linawin lang natin, ha? Kasi ang daming nagsasabi, itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.


“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nu’n. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na, at pagmamay-ari na nila ‘yan nang ilang dekada,” pahayag ni Vice Ganda.


Matatandaang last January, kinumpirma ng National Telecommunications Commission na ang dating frequencies ng ABS-CBN ay hawak na ng Advanced Media Broadcasting System, Inc. ni dating Senador Manny Villar (Channel 2 at 16), ng Sonshine Media Network ni Pastor Apollo Quiboloy (Channel 43), at ng Aliw Broadcasting Corporation (Channel 23).


“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN,” ani Vice Ganda. “At ‘yung sinasabi na ang habol, ang gusto, prangkisa, wala na pong in-apply na franchise ang ABS, wala po. Kaya wala po kaming hinahabol na franchise.”


Muli ay inulit niya, “ABS is no longer after any franchise.”


Dagdag pa niya, “Kasi lagi kong nababasa, ‘Si ganyan, kaya ganyan, dahil sa franchise, kasi umaasa sila.’ Wala nang inaasahan. Tapos na ‘yung kabanata na ‘yun. Tapos na.”


Pero sa kabila nito, ang mga nawalan ng trabaho ay puwede pa rin naman daw maibalik pa.


“Puwede pang manumbalik ang mga trabaho, kasi ngayon, ang ABS-CBN ay nagpo-produce o lumilikha ng maraming contents na maaaring ipalabas sa maraming plataporma. Mas maraming content, mas maraming trabaho. Kaya ang ABS-CBN ay unti-unti na namang nagbubukas ng mga oportunidad,” sabi ni Vice Ganda.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page