top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 5, 2022



Naging emosyonal si Sharon Cuneta sa kanyang speech sa campaign rally ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan at ni Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna kamakailan habang inaalala niya ang friendship nila ni Bongbong Marcos.


As we all know, mahigpit na kalaban ni BBM si VP Leni na sinusuportahan ni Shawie.


Ayon kay Mega, si Bongbong daw ang pinaka-close niya sa mga anak ni yumaong dating Presidenteng si Ferdinand Marcos.


Naging ka-close daw niya si BBM noong mga panahong dumadaan ang pamilya Marcos sa matinding pagsubok at kontrobersiya.


“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM, hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time.


“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya, personally.


“Hindi naman ganu'n ka-close, pero kilala ko sila. I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” pahayag ni Sharon.


Tungkol naman kay Davao Mayor Sara Duterte na mahigpit namang kalaban ng asawa niya sa pagka-bise-presidente, na-meet niya ito noong 9 years old pa lang ito.


“I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister. Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections, I hope we can still be friends,” she said.


Ibinahagi rin ni Megastar na tatay na rin ang turing niya kay Pres. Rodrigo Duterte, pero talagang nawindang siya nang mapanood ang isang speech nito patungkol kay Lord.


“When Tatay… once I saw on YouTube, he said 'Who is this stupid God?' para akong binuhusan ng kumukulong tubig at may yelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo?” ani Sharon.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 3, 2022



Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang ginawa ni Ai Ai delas Alas na panggagaya kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para ikampanya ang kanyang sinusuportahang si Mike Defensor na kumakandidato ring alkalde ng Kyusi ngayong darating na halalan.


Naglabas ng campaign video si Ai Ai kung saan ay gumaganap siya bilang si Hon. Ligaya Delmonte na pinaniniwalaang parody version ni Mayor Joy.


Pati boses nga kasi ni Ai Ai sa video ay parang si Mayor Joy, pati ang pagsasalita. Well, noon pa naman talaga sinasabing magkaboses sila.


Anyway, sa video ay sinasabi ni Ai Ai (as Ligaya Delmonte) na kakaiba raw ang lakas at kapangyarihan ni Mike. Sinabi rin niyang ine-endorse niya ito bilang bagong mayor ng Kyusi.


May mga natawa sa video at mayroon ding nagalit lalo na nga ang mga supporters ni Mayor Joy. Anila ay binabastos daw ni Ai Ai ang kanilang mayora. May nagsabi ring ang cheap ng ginawang ito ng komedyana.


Maging sa showbiz ay may mga hindi nagustuhan ang ginawa ni Ai Ai. Isa na nga rito ay ang veteran columnist at talent manager na si Lolit Solis.


Sa kanyang post sa Instagram, sinabi niyang pathetic ang dating ng gimmick ni Ai Ai.


“Naloka ako sa gimmick ni Ai Ai delas Alas, Salve. Trabaho lang 'yung mag-endorse ng kandidato. Okay lang kung sino ang kumuha at nagbayad sa iyo. Pero choice mo pa rin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin,” simula ni 'Nay Lolit.


“Ok, magkalaban, siyempre, kani-kanyang labas ng gimmick at salita. Pero dapat naman siguro, maging polite ka pa rin sa mga gagawin mo, maliban na lang kung gusto mo talagang isara lahat ng pinto, at never na kayong magiging magkaibigan uli after the election.


“Komedyante si Ai Ai delas Alas. Kung gusto niyang gawing katatawanan ang sarili niya, why not? Pero sana, iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa-tawa.


“Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, gutter comedy, 'yan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte,” patuloy pa ng beteranang columnist-talent manager.


Sa huli ay pinangaralan niya rin si Ai Ai na magkaroon naman ng respeto at huwag lumampas sa guhit.


“Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, OK lang, no big deal. Pero sana, walang bastusan. Sana, igalang niya pa rin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.


“Matuto ka sana, Ai Ai, kung saan dapat huwag lalagpas. Baka ang ending, hindi mo makayang dalhin. Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi. Piece of advice, Ai Ai, dahan-dahan lang, baka madapa,” ani 'Nay Lolit.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 2, 2022



Sumabak na rin sa pulitika ang basketball superstar at dating Regal baby na si Alvin Patrimonio. Tumatakbo siyang mayor ng Cainta, Rizal ngayong May 9, 2022 elections. Ayon kay Alvin, matagal niyang pinag-isipan ang alok sa kanya na tumakbong mayor ng Cainta. Noon pa raw ay marami na talagang nag-o-offer sa kanya na pasukin ang pulitika pero tinatanggihan daw niya.


“Kahit noong naglalaro pa lang ako, nag-i-invite na sila sa akin na tumakbo. Sabi ko, ‘Hindi pa po time,’” pahayag ni Alvin sa presscon nila ng ka-tandem niyang si Mon Ilagan (who’s running for vice-mayor) last Friday.


Sa palagay daw niya ay ngayon na ang tamang pagkakataon para makapagsilbi sa kanyang mga kababayan sa Cainta, Rizal.


“Nabuo ko at natamasa ko na ang success sa basketball. Ngayon naman, gusto kong magkaroon ng significance ‘yung success na ‘yun kaya nag-decide ako to run for public office. Bago ako mamatay, gusto ko, marami akong matulungang kababayan ko,” he said.


Habang sinasabi ni Alvin na gusto niyang makatulong ay nangingilid ang luha niya.

Emosyonal din siya habang inilalatag niya ang mga problema sa Cainta at ang kanyang mga plano tulad ng pabahay para sa mga less-fortunate residents na isa raw sa kanyang pagtutuunan talaga ng pansin, gayundin ang matagal na nilang problema sa baha.

At dahil nga sa galing siya sa basketball, isa rin sa kanyang misyon ay palawakin ang sports sa kanilang lugar.


Kumpiyansa rin ang dating mayor ng Cainta na si Mon Ilagan na mabibigyan ni Alvin ng bagong mukha ang kanilang bayan. Kilala raw niya ito bilang napakabait na tao kaya nakipagsanib-puwersa siya’t ibinigay ang kanyang buong suporta sa first-timer na kandidato.


On the lighter side ay may nagbanggit kay Alvin ng pangalan ng ex-girlfriend niyang si Kris Aquino.


Napangiti na lang si Alvin and being a man of few words as he is, maikli niyang sagot, “Move forward na po tayo.”


Sa mga hindi nakakaalam, dati ring naging artista si Alvin. Marami siyang nagawang pelikula sa Regal Films at nakasama rin niya sa isang movie si Kris, ang Tasya Fantasya.

Alvin is happily married to wife, Cindy, na kasama rin niyang dumalo sa presscon with two of their 4 children na sina Angelo at Tin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page