ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 01, 2021
Sa recent vlog ni Enchong Dee ay sinagot ni Jessy Mendiola ang mga ibinabato sa kanya ng ibang tao na laos na siya at wala nang offers.
Paglilinaw niya, “Ang totoo n’yan, ever since before the pandemic started, marami nang offers talaga but I think it’s more of I value my health more than anything.”
She added, “And ever since nag-start ‘yung pandemic, siyempre, nand'yan ‘yung fear, nand'yan ‘yung kailangan mong mag-locked-in, nand'yan ‘yung marami kang taong makakasama.”
Sa ngayon daw ay mas gusto niyang mag-explore ng iba pang bagay.
“I feel that nasa point na ako ng life ko na I’m enjoying what I’m doing which is vlogging, diving na nagka-vertigo ako, but I’m trying to explore other things in my life. I’m also entering the world of business.
“And I think nandu’n na tayo sa point ng buhay natin na hindi na tayo nape-pressure to please everyone, kasi ganu’n naman talaga 'pag nagsisimula, 'di ba?
“I don’t think I’m ready for you know, ‘yung taping talaga na sagaran o kaya locked-in,” aniya.
Bilang bagong kasal at maybahay ni Luis Manzano, okay na okay daw ang lahat, chill lang. Suportado raw ng mister niya ang lahat ng gusto niyang gawin ever since.
Sinabi rin daw niya kay Luis na parang hindi na niya kayang bumalik sa dati na sagad-sagaran ang taping na hindi siya nakakatulog, lagi siyang nagkakasakit at hindi siya happy.
“Siya rin mismo ang nagsabi sa akin na ‘Go, if you want to rest, find other things to do,’ and ‘yun na nga ang nagawa ko, vlogging, and sa awa naman ng Diyos, brands are still getting,” she said.