MAY PLANO NANG NEXT TRIP.
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 05, 2021
Dumating na nga sa bansa ang magdyowang Bea Alonzo at Dominic Roque matapos ang ilang linggong bakasyon sa USA.
Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Bea ng short clip ng isang sasakyang nagbibiyahe sa ulan at sa caption, aniya, “I’m back.”
Halos kasabay nito ang post ni Dominic na nasa sasakyan din at umuulan. Caption naman niya: “Back in MNL.”
Bago ito ay nag-hint na rin si Bea na pauwi na siya ng 'Pinas at malapit na siyang magbalik-trabaho.
Sa kanyang IG post last Aug. 1, aniya ay patapos na ang kanyang bakasyon at pinaplano na raw niya ang next trip, though matatagalan pa raw dahil magtatrabaho muna siya.
“So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream (heart-eye emoji). I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping, maybe this is kind of an introduction, and I know I’ll be doing this a lot in the future (heart emoji). It’s just nice to be close to nature and be able to experience its wonders (heart emoji).
“My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I’ll also miss being on the road exploring beautiful places. I’m already planning my next trip as I’m typing this, (tears of joy emoji) pero matatagalan pa 'yung susunod, trabaho muna (praying hands emoji)," pagbabahagi ni Bea.
Actually, hindi lang kina Bea at Dominic memorable ang trip kundi maging sa mga fans nila dahil dito sila tumodo sa pagiging open sa kanilang relasyon.
Ilang beses silang nagpakilig sa kanilang mga fans dahil sa kanilang mga sweet photos sa mga series of events tulad ng birthday ni Dominic, baby shower ni Beth Tamayo, camp adventure sa AutoCamp, Yosemite at ang kanilang trip sa San Francisco MoMA Museum.
Matatandaang lumipad si Bea patungong US last July 9 para magbakasyon bago siya sumabak sa trabaho bilang bagong Kapuso talent. Pero mukhang made-delay ang pagbabalik sa work ng aktres dahil nga timing naman na sasailalim na naman ang Metro Manila sa ECQ simula sa Aug. 6.