ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 23, 2021
Suportado ni Star for All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos ang pagtakbo ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.
“Yes, we will support him. Mayor Isko is an inspiring and God-loving leader and we can see his drive to serve the Filipino with a heart, hope and action,” ang pahayag ni Ate Vi base sa text message niya sa ABS-CBN reporter na si RG Cruz na ipinost naman nito sa Twitter.
Patuloy pa ni Ate Vi ay nakita niya ang sinseridad ni Mayor Isko sa mga nagawa nito sa Manila, lalo na nga nitong pandemic.
“With what he did to Manila, especially during this pandemic, we saw his focus and sincerity as a leader,” aniya.
Ibinibigay din niya of course ang kanyang suporta sa ka-tandem ni Mayor Isko na si Doc Willie Ong.
Dahil dito ay marami ang humuhula na baka tumakbong senador si Ate Vi sa partido nina Mayor Isko and Doc Willie.
Matatandaang noon pa talaga maraming nag-o-offer sa kanya to run as senator at halos lahat yata ng partido ay gusto siyang isali sa senatorial line-up.
Pero base sa pinakahuling interview ni Ate Vi sa Over a Glass Or Two vlog last week, wala pa siyang final decision regarding 2022 elections at pinag-iisipan pa niya kung tatakbong senador or magreretiro na sa pulitika.
Paliwanag niya, hindi madaling mangampanya ngayong pandemic.
“Because, ang panahon ngayon ay hindi madali. Because of COVID, hindi ko magagawang makaikot sa buong Pilipinas so that our people or ‘yung mga kababayan ko will see me personally at mailatag ko sa kanila per numero talaga ‘yung programang gusto kong ibigay sa kanila, mga batas na gusto kong ilatag for their protection. I cannot go all over the Philippines because of COVID.
“So, hindi ka nila makikita physically, ‘di ba? And I just cannot rely campaigning lang sa social media,” sey ni Ate Vi.
Bukod pa nga rito, kailangan din naman niyang maging maingat sa sarili.
“I need to take care of myself, too, ‘di ba? I’m not getting any younger. So, delikado rin ‘yung edad ko na. And I feel, may responsibilidad din ako to take care of my family.
“So, ‘pag nagkasakit ako, madadamay ang pamilya. I cannot be effective na magbigay ng serbisyo kapag nagkasakit ka.
“So, a lot of things to consider. Hindi magiging madali,” she said.
Sa ngayon daw ay humihingi pa siya ng gabay kay Lord sa kanyang gagawing desisyon.
“I’m just praying for it, sana ma-guide-an ako kung ano ang dapat kong gawin by October, ano ang magiging desisyon ko.
“Either I may run for a higher position, sa Senate seat, or I may retire from politics. Bahala na si Lord,” saad ni Congw. Vi.