ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 9, 2024
Photo: LJ Reyes - IG / NP
Matapos iwan ang showbiz at magpakasal sa kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista sa US, masayang-masaya si LJ Reyes sa kanyang buhay ngayon.
Ibinahagi nga ng aktres sa kanyang latest Instagram (IG) post ang buhay niya ngayon kasama ang kanyang mister habang ipinagdiriwang nila ang kanilang unang wedding anniversary.
Kitang-kita naman talaga na super-happy siya ngayon at nagpapasalamat siya na natagpuan niya si Philip.
“If the past year is the glimpse of what forever looks like with you, it will be a blast!!! I definitely am so blessed that God had it planned for you to be the one I spend the rest of my life with! Thank you for everything! Thank you for the best life I can ever imagine! You are an amazing husband, father, son and friend! I will never get tired of celebrating our love every single day! I love you! Happy Anniversary!” ang caption ni LJ.
Matatandaang na-engaged si LJ Reyes kay Philip noong Mayo, 2023 at nagpakasal sila noong Oktubre ng parehong taon.
Kasalukuyan silang naninirahan sa New York kasama ang dalawang anak ng dating aktres na sina Aki at Summer.
Inspirasyon daw sa lahat…
KC, TUWANG-TUWA NA BATI NA AT MAGSASAMA ULI SINA SHARON AT GABBY
Inamin ni KC Concepcion na naging maganda ang epekto sa kanya nang makita niya ang pagbabati ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa Dear Heart (DH) concert noong nakaraang taon.
“Iba pa rin ang feeling ‘pag magkasundo ‘yung mga magulang mo, maganda ‘yung feeling for me. I love my mom and I love my dad. I love my family,” sey ni KC sa panayam ng ABS-CBN.
“It is a good example sa buhay ko. Itong parents ko na ‘di na nagsasama pero nakakagawa pa ng magandang bagay sa buhay nila,” dagdag pa niya.
Lalo pang nadagdagan ang happiness ni KC na magkakaroon pa ng tour sa US at Canada ang DH concert dahil ibig sabihin ay tuluy-tuloy pa rin ang pagsasama ng kanyang mga magulang kahit nga ba sa trabaho na lang.
“Napaka-happy ko na nagtatrabaho sila ulit together. Napakagandang feeling sa lahat. It talks about friendship, forgiveness, ‘di porke't naghiwalay, ibig sabihin kailangan ay magkaaway. It is an inspiration for all of us,” sey niya.
Samantala, sinabi rin ng dalaga na hindi niya iiwan ang showbiz at aniya, ang pagiging artista raw ay laging nasa puso niya.
“Ayokong iwan buhay-artista. Siyempre, mga fans, they are always there,” aniya.
“It is always in my heart. Artista for life. For now, online talaga ‘yung world ko. ‘Yung vlog ko, ‘yung YouTube (YT) ko, The KC Diaries. I have been working on my online businesses and I am working on two new things. I am really excited,” pahayag ni KC Concepcion.