ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 29, 2024
Photo: Katrina Halili - Instagram
Unti-unti nang nakaka-move on si Katrina Halili sa pagpanaw ng kanyang boyfriend na si dating Lanao Del Sur Vice-Mayor Jeremy Guiab.
Matatandaang nu'ng January, 2024 nang inanunsiyo ng aktres ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang boyfriend. Atake sa puso umano ang ikinamatay nito.
Almost one year simula nang yumao ang boyfriend, sinabi ng aktres sa Updated with Nelson Canlas na okey naman daw siya.
“So far, okey naman po ako ngayon,” aniya.
“Hindi naman ako puwedeng mag-dwell doon sa past na kasi like may anak ako, kailangan kong magtrabaho. Kung ‘di ako magtatrabaho, sino'ng bubuhay sa anak ko? Kailangan kong magpaka-strong kasi may umaasa sa ‘kin,” pahayag pa ni Katrina.
Aniya ay naging malaking tulong ang kanyang anak na si Katie noong panahong iyon para kayanin niyang magtrabaho dahil that time ay sabay daw niyang ginagawa ang Black Rider (BR) at Mommy Dearest (MD).
“Kinaya kasi kailangan,” diin ni Katrina.
Paliwanag niya, “I mean, ano’ng gagawin ko, iiyak ako nang iiyak sa bahay? Ang ginagawa ko, magte-taping ako, iho-hold ko lang ‘yung sarili ko, wala akong kakausapin, magte-taping ako.
“After ng taping, punta ng wake. Doon ako bubuhos, naho-hold ko siya. Kaysa wala akong taping, tulala ako sa bahay, iiyak, ganyan.”
Ayon pa sa aktres, kailangan niyang tanggapin ang nangyari at alam niyang may dahilan si God kung bakit ito nangyari.
“Siyempre, baunin na lang natin kung ano ‘yung mga naiwan na magagandang memories. Ano ‘yung natutunan ko sa kanya. So, mas ‘yun ‘yung inisip ko. Ano ‘yung magagandang naiwan n’ya sa ‘kin?” sey niya.
Nang matanong kung ready na ba siya to fall in love again, aniya ay hindi niya pa masasabi ang bagay na ‘yan.
“Ayoko na lang magsalita muna kasi mas gusto kong mag-focus sa career ko. And kasi alangan namang sabihin kong hindi ako ready, tapos baka mamaya, bigla akong ma-in love.
Hindi natin masasabi kasi, ‘di ba?” sey niya.
Basta sa ngayon, ang career daw at ang kanyang anak ang focus niya.
PATULOY ang relief efforts ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga kababayang nasalanta ng Bagyong Kristine. At sa tulong ng Philippine Air Force at Malacañang ay nagawa na ring marating ng Kapuso Foundation ang ilang isolated areas na lubos na naapektuhan ng bagyo.
Noong October 26, nakapagpamahagi ng relief goods ang GMAKF sa Albay para sa tinatayang 4,000 indibidwal.
Kinabukasan (October 27), nagtungo ang GMAKF sa Barangay Pantao sa Libon, Albay para hatiran ng tulong ang tinatayang 1,200 pamilya o 4,800 indibidwal. Isa ang barangay na ito sa mga kasalukuyang isolated places dahil sa naranasang apat na landslides.
Sa parehong araw, nagtulung-tulong ang mga sundalo, pulis at residente ng Bula, Camarines Sur para magbigay ng relief goods sa mga apektadong pamilya.
Nagkaroon naman ng feeding program sa Minalabac, Camarines Sur para sa 500 indibidwal.
Samantala, ipinadala ng GMAKF ang mga donasyong pet food at vitamins sa isang animal rescue center sa Tabaco, Albay.
Tuluy-tuloy pa rin ang airlifting operations ngayong October 28 para maipamahagi pa ng GMAKF ang tatlong toneladang relief goods sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar sa Albay.
Naging kaagapay din ng Kapuso Foundation ang Cebu Pacific Air para makarating ang mga donasyon mula Maynila patungong Bicol International Airport sa Daraga, Albay.