ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 8, 2024
Photo: Anthony Jennings sa interview - ABS CBN YT
Ang tindi ng epekto ngayon sa career nina Maris Racal at Anthony Jennings ng “cheating controversy” na kinasasangkutan nila.
Bagama’t nag-sorry na nga sila pareho sa publiko at sa mga taong nasaktan nila, katakut-takot na backlash pa rin ang kanilang inaabot. Siyempre, hindi naman natin masisisi ang mga netizens na galit sa mga cheaters (sino ba naman ang hindi?).
Ilang endorsements na ang bumitaw sa MaThon dahil dito at hindi natin alam kung kailan ba huhupa ang malaking impact na ginawa ng kontrobersiyang ito sa kanilang career na papaakyat na nga sana.
Ang tanong nga ngayon ng marami, makakabangon pa ba sina Maris at Anthony mula sa matinding iskandalong ito? Anu-ano ba ang dapat nilang gawin para maka-recover?
Saan na ba papunta ang kanilang future ngayon?
Sa opinyon namin, with the right approach, makakabangon pa naman sila especially si Maris na matagal-tagal na rin sa industriya at napatunayan na rin ang kanyang talento.
Many celebrities have successfully bounced back from controversies after addressing the issue transparently, showing accountability and focusing on their craft. Maris has already taken the first step by apologizing and owning up to her mistake at malaking bagay ‘yun para ma-rebuild ang trust sa kanya ng mga tao.
Pero depende pa rin sa mga next actions niya, siyempre. She should avoid further controversies at kailangang makitaan din siya ng personal growth. Kailangan ding patuloy siyang makitaan ng high-quality performance in her acting and music career.
Scandals sometimes lead to reinvention and Maris could use this as a chance to rebrand her image, focusing on authenticity ang growth to rebuild her reputation.
Maris has a loyal fan base, at puwedeng ma-overshadow ng kanyang talent ang kontrobersiyang kinasangkutan.
As for Anthony Jennings, he should also come clean first. Hindi sapat ang pagso-sorry lang. He should address the controversy transparently. It might help na mabawasan ang backlash kung hindi man matitigil.
Puwede rin siyang mag-focus sa mga roles that will help rebuild his image, such as playing relatable or redemptive characters. At siguro, huwag muna siyang makipag-love team for now.
Makakatulong din ang suporta ng kanyang mga fans at management. Kung makikita ng industriya na may market pa rin siya, kukunin at kukunin pa rin siya.
And lastly, scandals often fade with time, especially kung ang artista ay makikitaan ng growth, maturity, professionalism, high-quality works and resilience.
IBINIDA ni Matteo Guidicelli na full support naman daw ang misis niyang si Sarah Geronimo sa pag-aaral niya sa Harvard Business School sa Boston kamakailan.
“She’s full support so I’m so happy. I can’t believe this is happening. A dream came true, actually to be in the Harvard area, not in my wildest dreams. I guess, we’re here,” saad ni Matteo sa kanyang latest vlog kung saan ay idinokumento niya ang kanyang journey sa Harvard wherein he took up a business program course.
“It’s my second time in Boston. The last time I was here was maybe more than 10 years ago, so it’s very, very new to me,” aniya.
Isa nga sa mga ikina-excite niya sa pag-aaral ay ang makasalamuha ang iba’t ibang nationalities around the world.
“Being part of a diverse group of 88 participants from 31 nationalities and 27 industries was both inspiring and eye-opening. Engaging with such accomplished peers and working through case studies with renowned professors and authors like Max Bazerman, Deepak Malhotra, and Guhan Subramanian was invaluable,” pagbabahagi niya.
Para sa aktor, isang unforgettable experience ang naging journey niya sa Harvard.
“This place has been very, very beautiful. Connections we made, professors we've listened to and learned from, amazing. Really top-notch and I really appreciated everything—the learning experience, the camaraderie we built with all the classmates, the beautiful Boston...
“I wish to come back in the future and I highly recommend this to everybody out there. They have different courses, so many courses to choose from and it's really good,” pagmamalaki ni Matteo Guidicelli.