ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 11, 2025
Photo: Coco Martin - Instagram
Tulad ng taun-taong nakagawian, muli ay naki-join si Coco Martin sa Traslacion 2025 sa Quiapo bilang bahagi ng kanyang debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Makikita sa Instagram post ng aktor/direktor ang larawan niya sa harap ng imahe ng Hesus Nazareno.
Caption niya, “Walang Hanggang Pasasalamat Mahal na Poong Hesus Nazareno (praying emoji).”
Nag-post din ang direktor at bida ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ng larawan na kasama niya rin sina Dimples Romana, McCoy de Leon, at mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina sa Quiapo Church.
Sa panayam ng TV Patrol (TVP) ay sinabi ng aktor na taong 2007 nang magsimula siyang mamanata sa Quiapo Church.
“Nag-start ang lahat ng pagbabago sa buhay ko mula nang mahawakan ko ang Mahal na Nazareno mula nu’ng nagsu-shooting ako ng pelikulang Tirador ni Brillante Mendoza,” aniya.
“Sa sampung hiniling ko, ipinagdarasal ko, higit pa siguro sa labinglima ang tugon na ibinigay Niya sa ‘kin,” dagdag niya.
Ang lagi raw niyang ipinagdarasal sa Poong Nazareno ay bigyan siya ng trabaho kahit hindi na siya matulog,
“Ngayon, mula 2007 hanggang 2025, hindi na ako pinatulog ng Panginoon, ng Mahal na Nazareno,” sey pa ng aktor.
Since then nga naman ay hindi na napahinga si Coco at nagsunud-sunod na ang kanyang proyekto especially nang mapunta siya sa ABS-CBN.
Ngayon ay nasa ika-100 na linggo na ang BQ at bilang selebrasyon ay maraming
inihandang pasabog ang programa. Makapigil-hininga ang mga mapapanood na sagupaan sa mga susunod na episodes tampok ang mga engkuwentro ni Tanggol (Coco).
Kaabang-abang dito ang muling paghaharap nina Tanggol at Olga (Irma Adlawan), kung saan isang buhay ang malalagay sa panganib nang biglang sumulpot si Marites (Cherry Pie Picache) sa bakbakan ng dalawa para subukang iligtas ang anak niyang si Tanggol.
Isang malaking rebelasyon din ang yayanig sa buhay ni Tanggol dahil sa wakas ay isisiwalat na ni Olga sa kanya ang katotohanang hindi si Rigor (John Estrada) ang totoo niyang ama.
Marami pang sorpresa ang dapat abangan ng mga manonood ng FPJ’s Batang Quiapo sa patuloy na pagdiriwang nito ng ikalawang taong pag-ere.
Pinatunayan ng pelikulang Her Locket (HL) na hindi kailangang sikat ang mga bida para hangaan ito at manalo nang katakut-takot na awards.
Matatandaang naging entry sa Sinag Maynila Film Festival (SMFF) last September ang HL na pinagbidahan ni Rebecca Chuaunsu at humakot ito ng total of 8 awards namely: Best Film, Best Director and Best Screenplay, Best Actress, Best Supporting Actress, Best Production Design, Best Cinematography, and Best Ensemble Acting.
Bukod dito ay nanalo rin si Rebecca ng dalawang international Best Actress awards — from Festival International du Film Transsaharien de Zagora in Morocco (held in 2023) and Wu Wei Taipei International Filipino Film Festival in Taiwan (held in Sept. 1, 2024).
Napanood namin ang HL sa ginanap na screening recently at hindi na kami nagtaka kung bakit ito humakot ng awards at kung bakit napakaraming papuring natanggap lalo na nga sa mahusay na performance ni Rebecca.
Napaka-powerful ng kuwento ng pelikula tungkol sa isang Chinese woman na si Jewel Ouyang suffering from dementia at dahil sa kanyang locket necklace ay muli niyang naalala ang kanyang nakaraan.
Ayon kay Rebecca, 32 years in the making ang pelikula at napakarami raw pinagdaanang challenges.
“The story has been developing for 32 years. Throughout the pandemic, we were brainstorming. We had to develop the screenplay via Zoom. During the photoshoot, my husband was diagnosed with an illness. On the last day of the shoot, I had to rush him to the hospital. During the post-editing, he passed away. It holds sentimental value for me,” aniya.
Present din sa screening ang National Artist na si Ricky Lee na gandang-ganda rin sa movie at aniya, “Napaka-powerful ng karakter at naging journey ni Jewel sa pelikula. At ang husay-husay ni Rebecca. Mahusay din si Elora (Espano as Teresa, the caregiver).”
Mapapanood na commercially ang HL dahil ipapalabas na ito sa mga sinehan nationwide sa January 22 as a pre-Chinese New Year offering ng Rebecca Chuaunsu Film Production, in cooperation with Rebelde Films.
Mula sa direksiyon ni J.E. Tiglao, Her Locket also stars Boo Gabunada, Francis Mata, Benedict Cua, Jian Repolles, Tommy Alejandrino, Zoey Villamangca at marami pang iba.