ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 1, 2024
Photo: Archie Alemania at Rita Daniela - Instagram
Matapos magsampa ng acts of lasciviousness si Rita Daniela laban kay Archie Alemania noong Miyerkules (Oct. 30) sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang aktres tungkol dito.
Ang abogado niyang si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque ang nagpaunlak ng panayam sa media at nagbigay ng ilang detalye sa pangyayari.
Kasama ni Rita na nagsampa ng kaso ang nasabing abogado at ang kanyang kuya.
Sa complaint-affidavit ni Rita ay nakasaad na nangyari raw ang insidente noong dumalo si Rita sa isang thanksgiving party noong September. Sa event pa lang daw ay nagbibitaw na si Archie ng malalaswang salita sa kanya.
“So, doon pa lang, nao-offend na si Rita. She felt uncomfortable already but she did not confront Archie during that time kasi ang dating sa kanya, baka he did not mean it, lasing lang, oo and ‘yun, nagbibiro lang,” pahayag ni Atty. Garduque.
Nang pauwi na sila mula sa party, nag-alok si Archie na ihatid si Rita sa bahay nito. Noong umpisa ay hindi raw pumayag ang aktres.
Pero dahil nga parang kuya na ang tingin ni Rita kay Archie ay pumayag na rin ang aktres.
Habang nasa biyahe sila ay hinahawakan umano ni Archie ang balikat at leeg ni Rita.
“Nagsabi na s’ya (Rita) nu'n na, ‘Kuya, ‘wag! Kuya kita’ So, kasi nga Rita was treating Archie as an elder brother, eh,” sabi ng lawyer ni Rita.
Nang nasa tapat na sila ng kanyang bahay ay puwersahan daw siyang hinalikan sa labi ng aktor.
Nagpumiglas umano si Rita pero niyakap daw siya nang mahigpit ni Archie at pinaghahawakan umano ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.
“She was forced and she was kissed by Archie that time. And then, there was also touching that happened, like ‘yung maseselang bahagi ng katawan niya, like breast was also being touched during that time,” pahayag pa ni Atty. Marie Glen.
“This is not easy for Rita. I mean, any woman, it’s really hard for them to come out and magsabi ng ganitong mga krimen and mag-file ng ganitong nature,” pahayag pa ng abogado.
Sa ngayon ay wala pa ring pahayag si Archie tungkol sa reklamong ito ni Rita.
Samantala, naglabas naman ng statement ang Sparkle Artist Center tungkol sa insidente.
Narito ang pahayag ng management ni Rita:
“We at Sparkle GMA Artist Center are committed to ensuring a safe and respectful environment for everyone.
“Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks.
“We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.
“We remain dedicated to supporting our artists and ensuring their well-being. We trust that this process will lead to a constructive resolution.
“Thank you for your understanding and support.”
NGAYONG long weekend ay buong-puwersa ang GMA Network sa paghahatid ng serbisyo publiko mapa-TV, radyo o online sa kanilang #Undas2024 coverage.
On air, simula pa lang sa Unang Hirit (UH) ay nakatutok na ang GMA sa paghahatid ng updates mula mismo sa mga sementeryo sa iba’t ibang panig ng bansa. Tiyak din ang pagbibigay ng traffic updates para sa mga motorista.
Full force rin ang newscasts ng GMA Integrated News sa pagbabalita mula Unang Balita, Dobol B TV, Balitanghali, 24 Oras, Saksi, State of the Nation, at 24 Oras Weekend.
Buong araw ding nakatutok ang Super Radyo DZBB para sa mga breaking news at public service.
Para naman sa mga netizens, makakaasa sila sa up to the minute updates sa GMA News Online at sa lahat ng social media platforms nito.
May mga inihanda ring booths at help desks ang GMA Network sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga sementeryo at pangunahing lansangan.