ni Lolet Abania | January 21, 2022
Handa nang sumabak ang delegasyon ng Pilipinas para sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games, kung saan umabot ito sa 584 athletes matapos na ma-trimmed down, ayon sa Philippine Olympic Committee (POC).
Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na ang orihinal na plano ay isang 627-athlete contingent subalit napagdesisyunan ng POC, gayundin ni Chef de Mission Ramon Fernandez at ng Philippine Sports Commission (PSC) officials na magkaroon ng kaunting adjustments dahil sa budget constraints.
Ayon kay Tolentino, nabuo ang naturang bilang ng mga atleta sa ginanap nilang meeting nitong Huwebes.
“We understand the situation because of the budgetary constraint in the PSC, so we have to employ belt tightening measures as regards to officials and equipment,” ani Tolentino sa isang statement.
Sinabi rin ni Tolentino na may 80 atleta pa mula sa iba’t ibang national sports associations (NSAs) ang umaapela sa ngayon para makasali sa delegasyon, kung saan nakapasok sila sa ilalim ng Group B category, na ibig sabihin nito ang kanilang mother federation ang sasagot sa kanilang mga expenses sa SEA Games.
Binanggit naman ni Tolentino na hindi pa nadedetermina ng PSC ang eksaktong budget para sa biennial meet subalit una nang inanunsiyo ni Fernandez na posible itong umabot sa halagang P200 million.
Ani pa Tolentino, ang mga atleta ay aalis patungong Hanoi na mahahati sa 2 batches.
Ang unang grupo ay lilipad sa Mayo 6, habang ang isa pang grupo ay aalis naman ng Mayo 10, para mabigyan ng panahon ang ilang indibidwal na makaboto sa May 9 elections.
“Filipino athletes will still be competing in all but one -- xiangqi or Chinese chess -- of the 40 sports in the Hanoi program. They will be divided into four clusters-1A for Hanoi, 1B outskirts of Hanoi and 2A and 2B outside of Hanoi, including canoe-kayak and rowing in Hai Phong,” batay sa statement.