top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 20, 2020



Nagbabala ang National Irrigation Administration sa posibleng pagbaha sa ilang lugar sa Isabela matapos magpakawala ng tubig ang Magat Dam ngayong Sabado dahil sa Tropical Depression Vicky.


Ayon sa NIA Central Office, itinaas ang Dam Discharge Warning No. 3 (Rapid Increase on Dam Discharge) nitong Sabado sa ganap na 1:00 PM dahil sa pagbubukas ng anim na Magat Spillway Gates.


Ang mga sumusunod na lugar ang maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam: Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu


 
 

ni Thea Janica Teh | December 19, 2020




Magdadala ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Vicky sa bansa ngayong weekend habang patuloy nitong binabaybay ang Sulu Sea kasabay ng Tail-End ng Frontal System, ayon sa 5 am Severe Weather Bulletin ng PAGASA ngayong Sabado nang umaga.


Makararanas ng malakas na pag-ulan ang CALABARZON, Bicol Region, Visayas, Aurora, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Misamis Oriental, Oriental Mindoro, Marinduque at iba pang parte ng northern at central portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo at Cagayancillo Island.


Mahina hanggang malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Metro Manila at natitirang bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region dahil naman sa northern monsoon o hanging amihan.


Namataan kaninang 4 am ang sentro ng Bagyong Vicky sa 150 kilometers west ng Dipolog City, Zamboanga del Norte na may maximum sustained wind na 45 kilometers per hour (kph) at may bugso ng hangin nang hanggang 55 kph papuntang westward sa 25 kph.


Samantala, nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 pa rin ang ilang lugar sa bansa kabilang ang mga sumusunod: Luzon -Northern at central portions ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon) kasama ang Calamian, Cuyo, Cagayancillo at Kalayaan Islands Visayas -Southern portion ng Cebu (Pinamungahan, San Fernando, Carcar, Aloguinsan, Barili, Sibonga, Dumanjug, Ronda, Alcantara, Argao, Moalboal, Badian, Dalaguete, Alegria, Alcoy, Malabuyoc, Boljoon, Ginatilan, Oslob, Samboan, Santander) -Western portion ng Bohol (Loon, Tagbilaran City, Dauis, Panglao, Cortes, Maribojoc) -Siquijor -Negros Oriental -Central at southern portions ng Negros Occidental (San Carlos City, Salvador Benedicto, Talisay City, Bacolod City, Murcia, Bago City, Pulupandan, Valladolid, San Enrique, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Pontevedra, Hinigaran, Isabela, Binalbagan, Himamaylan City, Ilog, Kabankalan City, Cauayan, Candoni, Sipalay City, Hinoba-An) -Guimaras -Southern portion ng Iloilo (Barotac Nuevo, Dingle, Anilao, Duenas, Lambunao, Dumangas, Pototan, Zarraga, Mina, Badiangan, Janiuay, Maasin, Cabatuan, New Lucena, Santa Barbara, Leganes, Iloilo City, Pavia, Alimodian, San Miguel, Oton, Leon, Tubungan, Igbaras, Guimbal, Tigbauan, Miagao, San Joaquin) -Southern portion ng Antique (Bugasong, Laua-An, Valderrama, San Remigio, Patnongon, Belison, Sibalom, San Jose, Hamtic, Tobias Fornier, Anini-Y) Mindanao -Misamis Occidental Northern at central portions ng Zamboanga del Norte (Siocon, Baliguian, Gutalac, Kalawit, Labason, Tampilisan, Liloy, Godod, Bacungan, Salug, Sindangan, Siayan, Manukan, Jose Dalman, Sergio Osmena Sr., Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Pinan, Mutia, La Libertad, Polanco, Rizal, Sibutad, Dapitan City) -Zamboanga del Sur -Zamboanga Sibugay.


Inaasahan na lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Vicky sa darating na Linggo nang hapon o gabi.


Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko lalo na ang mga residenteng naninirahan sa mga lugar na nakapailalim sa signal No. 1 sa posibilidad na pagbaha at landslide dahil sa malakas na pag-ulan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page