top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 20, 2023




Biglang kumalas si Vice President and Education Secretary Sara Duterte bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.


Ayon kay Duterte, "irrevocable" ang kanyang pagbibitiw na epektibo kahapon.


Sa kabila na hindi tinukoy ni Duterte ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, sinabi niya na hindi nito hahayaang malason ng "political toxicity" o "execrable political powerplay" ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga Filipino.


Nangyari ang pagbibitiw ni Duterte matapos na palitan ni Pampanga Rep. Aurelio

"Dong" Gonzales, Jr. bilang Senior Deputy Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ibinaba sa Deputy Speaker ang huli.


Kasunod nito, itinanggi ni Arroyo na nagbabalak siyang patalsikin sa puwesto si Speaker Martin Romualdez.


Dagdag pa ni Duterte: "I am here today because of the trust of the Filipino people in me to lead and serve them and the country.”


"I call on all leaders to focus on the work that must be done and leave a legacy of a strong and stable homeland," saad pa ng pangalawang pangulo.


Binigyan-diin ni Duterte na ang kahalagahan na pagsilbihan ang mga Filipino sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


"Trust that my word, my commitment will be immutable," pagtatapos pa niya


 
 

ni BRT | March 30, 2023




Tinawag na imposible at hindi reyalistiko ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte ang pagha-hire ng 30,000 public school teachers, gayundin ang budget na P100 bilyon kada taon.


Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kasunod ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers sa DepEd na mag-hire ng 30,000 guro kada taon, hanggang sa taong 2028, upang makamit ang ideal class size na 35 mag-aaral.


Naniniwala rin si Duterte na ang pahayag ng ACT ay naglalayong i-divert ang atensyon ng publiko mula sa NPA-initiated violence sa Masbate.


Sinabi naman ng Bise na layunin ng DepEd na mag-hire ng karagdagang teaching at non-teaching personnel ngayong taon.


Nakatakda rin silang mag-deploy ng mas maraming school administrative officers para mag-complement sa workforce at bawasan ang administrative tasks ng mga guro.


 
 

ni Madel Moratillo | March 10, 2023



Humirit si Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa Commission on Elections na ibigay nang mas maaga ang honararia ng mga gurong nagsisilbi sa halalan.


Sa kanyang talumpati sa National Elections Summit na pinangunahan ng Comelec, hiniling ni VP Sara na i-advance ang honoraria bago ang araw ng halalan, kung pwede ay maisabay din aniya maging ang para sa mga pulis.


Ayon sa Bise Presidente, marami rin kasing gastos ang mga ito para makapagsilbi sa halalan gaya ng sa transportasyon, pagkain at iba pang pangangailangan.


Sagot naman ng poll body, sa pamamagitan ni Comelec Chairman George Garcia, pwede naman nila itong pagbigyan.


Katunayan, nagawa na aniya nila dati na ibigay ang 50% na honoraria ng mga guro bago ang araw ng eleksyon, at 50% pagkatapos ng halalan.


Pero nagkaproblema naman aniya sila sa Commission on Audit dahil may ilang guro ang hindi nakarating sa araw ng eleksyon dahil sa iba’t ibang kadahilanan.


Ang iba rito, natakot sa banta sa seguridad.


Sa kanyang talumpati sa summit, nagpahayag din ng pangamba si VP Sara sa mga insidente ng pamamaslang at pananambang sa ilang halal na opisyal.


Hiniling din niya sa Comelec ang paggamit ng makabagong teknolohiya para masawata ang mga insidente ng dayaan sa halalan.


Inihalimbawa niya ang mga multiple voter na noong alkalde pa siya ay na-encounter nila.


Hiniling din ni VP Sara na maisama ang voter education sa K to 12 para maaga pa lang ay maturuan na ang mga bata sa kahalagahan ng pagboto.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page