ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 18, 2020
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice- President Leni Robredo at ang kanyang mga kritikong nagkalat ng “#NasaanAngPangulo” nang manalasa sa bansa ang Bagyong Ulysses.
Pahayag ni P-Duterte, “I would like to just give a caution to the Vice-President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth. “Alam mo, ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo, I was here.
Dito, I was attending a summit. ASEAN Summit ‘yun. So, virtual lang, palit-palit kami, we were talking sa electronic. 'Andito ako noon. Kasagsagan ng bagyong dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami rito.”
Aniya pa, “I am sure that you knew of the ASEAN Summit going on and that I was delivering the intervention… statement of intervention for China and the China coordinator, ASEAN China and I was also making my own statement of how the ASEAN approved documents would impact on our economy later on.
Hindi ako natutulog. “Ganito ‘yan, Vice-President, makinig ka. Hindi ka rin kasi siguro nakinig noon, eh. Remember, kayong mga Pilipino, sinabi ko sa inyo, prangkahan, sa press conference, that I am a night person. I worked on the state government documents sa gabi.”
Saad pa ni P-Duterte, “Kung sabihin mong may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gumising ako ng umaga because of the Summit.” Aniya, bago pa umano dumating ang bagyo ay nakapaghanda na ang pamahalaan. Pahayag pa ni P-Duterte,
“Kapag sinabi mong nasaan ako, I can ask the entire government machinery and foreign affairs, 'andito ako, nagsasalita.” Hindi rin umano maniniwala ang military kay VP Leni dahil saad ni P-Duterte, “Kung hindi mo alam, puro military na ang humawak niyan, si Jalad who is... sa disaster na talaga for the longest time,' 'andoon na ‘yan; Rolly Bautista, former general sa Army, nandoon na ‘yan, nakapuwesto na. “Lahat ng kailangan du’n, 'andu’n na.
There was no need for you to make a very masamang biro na ‘Where were you?’ Kung sabihin ko tuloy sa 'yo, 'What time did you go home?' “‘Wag kang masyadong porma-porma. Hindi mo talaga panahon. Hindi ninyo alam na nagtatrabaho ako, na-timing-an na there was a summit and I cannot excuse you for not knowing it. You knew that there was a summit going on.
“Kung ‘yan ang paradigm mo sa presidente, sabihin mo ‘Nasaan ka, Presidente?’ the storm was all over Luzon, saan mo ako gustong ilagay doon? Sa inyo? Sa Bicol, sa Naga? O dito ako sa Parañaque? May baha rin, eh.
So ‘Where were you?’ hindi na kailangan akong mag-order on the day. “You are presuming that I should give an order on the day of the storm, that is stupid. That’s why you cannot become a president, really. Mahina ka, eh.
Wala ka nang ibibigay na order kasi ang order, ibibigay, 2 or 3 days. You do not give order on the day of the war, patay ka. Kung ganu’n ka, ‘wag ka nang magtakbong presidente, talagang mahina ka.
You do not know and then you lied. You were not honest.” Inunahan din daw siya ni VP Leni sa pagpunta sa Bicol. Pahayag ni P-Duterte, “Do not compete with me and do not start a quarrel with me. Kasi ikaw, wala ka talagang nagawa.”