ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 17, 2025
Photo: Vic Sotto at Vilma Santos Recto - IG
Tiyak na marami ang mapapa-“Sana all” sa inamin ng latest ambassador ng Sante Barley na si Bossing Vic Sotto sa ginanap na launching niya nu’ng Martes na at his age now, 70, ay wala pa siyang maintenance medicines.
Ang sikreto ni Bossing bukod sa araw-araw niyang pag-inom ng Sante Barley sa umaga para sa kanyang good health and healthy lifestyle?
“Isa sa mga regimen ko lalo na pagdating sa pagkain, I only eat when it’s time to eat. Hindi ako kumakain in between breakfast and lunch, lunch and dinner. Hindi ako ma-junkfood. Hindi ako mahilig sa sweets. ‘Pag meron, tikim-tikim lang. I take everything in moderation.
Kahit na, alcohol o softdrinks, lahat ‘yan in moderation,” ani Bossing, na take note, bagama’t nagso-softdrinks pa rin, pero baka hindi na ‘yung brand na may letter “P” na paborito ng isang director.
Char! Hahaha!
Nabanggit pa nga nito na hindi siya tulad nina Joey de Leon at Allan K. na mga diabetic na raw.
Tinanong namin si Bossing kung nasasabayan pa ba niya ang pagwo-workout ng misis na si Pauleen Luna tulad ng biking, pero natatawang pag-amin niya, hindi na niya keri dahil sa kanyang mga tuhod, although golf at walking daw ang kanyang exercise.
Samantala, inamin ni Bossing Vic na malaki ang naitutulong ng kanyang pag-inom ng Sante Barley products lalo na nu’ng time na ginagawa nila ang The Kingdom kung saan may mga physical scenes sila ni Piolo Pascual.
At aminado rin si Bossing na kahit first time niyang nag-drama sa pelikula, natuwa siya sa feedback ng mga tao sa role niya bilang Lakam kaya kung may offer uli na magandang istorya ay willing siyang mag-drama uli.
When asked kung sino ang dream niyang makasama pa sa drama project, aniya, ang konsepto muna ang tinitingnan niya bago siya pumipili ng makakasama.
Pero nang banggitin namin ang name ni Star for All Seasons Vilma Santos at kung posible ba silang magsama next time sa isang drama movie, “Why not?” ang game na sagot ni Bossing Vic.
Hmmm… mga Vilmanians at mga fans ni Bossing Vic, gusto n’yo ‘yan?
SPEAKING of Ate Vi, first time naming napasok ang San Sebastian Cathedral sa Lipa, Batangas last Saturday kung saan ikinasal ang Star for All Seasons at si Finance Sec. Ralph Recto nu’ng December 11, 1992.
Naimbitahan kami ng good friend ni Mareng Karen Martinez na si Joel Pena, ang owner ng sikat na mall sa Lipa na Big Ben at producer ng musical stage play na San Sebastian: Isang Musikal para masaksihan ang year 2 ng special tribute nila kay San Sebastian bago
pa ang kapistahan nito sa Lunes, January 20.
Kung dati, sikat lang ang San Sebastian Cathedral dahil dito ikinasal si Ate Vi, ngayon ay dinadayo na rin ang naturang simbahan lalo’t ito pala ang patron saint ng mga sundalo dahil si San Sebastian ay isang sundalo sa Roma bago ito ipinroklamang santo.
Ang San Sebastian: Isang Musikal ay binuo ng Lipa Fiesta Executive Committee sa pangunguna ni Joel Pena at tampok dito ang mahuhusay na theater actors ng Lipa Actors Company.
Napabilib kami sa mga gumanap dito dahil kahit hindi sila A-list actors, ang huhusay nilang mag-perform at ang gaganda ng boses, lalo na ‘yung gumanap na bidang si Vince Conrad, at maging ‘yung gumanap na hari na assistant director din pala ng musical play kaya ang galing-galing ding umarte.
Ayon kay Joel, layunin nilang mas maipakilala pa ang background ni San Sebastian kaya ginawa nila ang San Sebastian: Isang Musikal na pinalakpakan ng mga nanood na residente ng Lipa at mga dumating na special guests.
Sayang nga lang at nasa bakasyon si Ate Vi sa Baguio that Saturday dahil birthday ni Sec. Ralph kaya ‘di siya nakapanood ng musical play, pero for sure, kapag napanood niya ito ay magiging proud din siya sa galing ng mga kababayan niya at masasabing puwede nang iikot sa Pilipinas ang play para mas marami pang makapanood.
Hopefully, pagbalik namin sa fiesta sa Lunes ay available na si Ate Vi para more chikahan pa.