top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 10, 2023




Nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Aurora Boulevard flyover sa Pasay City matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang limang sasakyan na nasa unahan nito, Martes ng gabi.


Sa imbestigasyon ng Pasay Traffic and Parking Management Office, patungo sa Bacoor, Cavite ang trak at habang nasa flyover ay bigla umano itong nawalan ng preno at dumausdos kaya nabangga ang mga sasakyang nasa unahan.


Ayon naman sa pahinante ng trak na si JR David, maayos ang kundisyon ng kanilang trak bago bumiyahe mula sa Pampanga.


Nagtamo ng mga bahagyang sugat ang mga pasahero ng mga sasakyan habang na-trauma ang ilan. Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng truck na hindi pinangalanan.



 
 

ni Lolet Abania | February 13, 2021





Anim ang namatay habang 65 ang sugatan matapos na magsalpukan ang mga sasakyan sa isang highway sa Texas, USA.


Pahirapan ang pagsagip ng mga rescuers sa mga naipit na biktima sa halos 133 sasakyan na nagkarambola kabilang ang mga trailer trucks na nangyari sa North Texas Express toll lanes ng Fort Worth kahapon nang umaga, ayon sa report ng Reuters.


Ayon pa sa ulat, madulas ang kalsada dahil sa mga pag-ulan habang sinabayan pa ng malamig na panahon na ilang araw nang nararanasan sa nasabing lugar, kung saan sinasabi rin ng mga firefighters na dahilan ng naganap na “mass casualty incident.”


Sa dami ng mga nagkapatung-patong na sasakyan, kinailangan pang gumamit ng mga hydraulic rescue equipment ng mga rescuers upang mailigtas ang mga naipit na mga biktima.


Agad na dinala ang 65 na mga sugatan sa pinakamalapit na ospital. Lahat ng lanes sa Interstate 35W ng Forth Worth sa hilagang bahagi ng lugar ay pansamantalang isinara.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page