top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2021



Mabuti na ang lagay ni Pope Francis matapos itong sumailalim sa intestinal surgery dahil sa pamamaga ng large colon nito, ayon sa Vatican noong Linggo.


Ayon sa Holy See Communications Office, sa Gemelli University Hospital umano dinala ang 84-anyos na Santo Papa para sumailalim sa operasyon sa kanyang “symptomatic diverticular stenosis” na isang kondisyon kung saan may nabuong maliit na sac sa muscular layer ng bituka.


Ayon naman kay Spokesman Matteo Bruni, maayos na ang lagay ni Pope Francis matapos ang operasyon.


Aniya, “The Holy Father reacted well to the surgery carried out under general anesthesia.”


Samantala, walang binanggit si Bruni kung gaano katagal inabot ang operasyon at kung hanggang kailan kailangang manatili ng Santo Papa sa ospital.


 
 

ni Lolet Abania | June 6, 2021



Naipahayag ni Pope Francis ngayong Linggo ang kanyang labis na pagdadalamhati sa pagkakadiskubre sa labi ng 215 bata sa isang dating Catholic school para sa mga indigenous na estudyante sa Canada, kasabay ng kanyang panawagan na igalang ang karapatan at kultura ng mga native people o katutubo.


Hinimok din ng pope ang mga Canadian political at Catholic religious leaders na "magkaroon ng determinasyong makiisa" upang maliwanagan sa mga bagay at hanapin sa puso ang tinatawag na reconciliation at healing.


Ani Pope Francis, "I felt close to the Canadian people, who have been traumatized by the shocking news."


Samantala, sandali lang nanatili si Pope Francis sa mga pilgrims at turista na nasa St. Peter's Square, habang humingi ng apology dahil maraming Canadians ang nagde-demand mula sa Catholic Church hinggil sa kanilang tungkulin sa mga residential schools, kung saan nag-operate sa pagitan ng taong 1831 at 1996 at pinatatakbo ng ilang Christian denominations na dapat sana ay ang gobyerno.


Matatandaang noong nakaraang buwan, nadiskubre ang mga labi ng mga bata sa Kamloops Indian Residential School sa British Columbia na nagsara noong 1978 at naging dahilan ito kaya nabuksan ulit ang isyu at nagpasiklab ng galit ng mga tao sa Canada dahil sa kakulangan ng mga impormasyon at accountability nito.


Ang naging sistema ng nasabing residential school ay puwersahang inihiwalay ang nasa 150,000 mga bata sa kanilang pamilya. Marami sa kanila ang naabuso, na-rape at dumanas ng malnutrisyon na tinawag ng ahensiyang Truth and Reconciliation Commission noong 2015 na "cultural genocide."


Gayunman, nagsalita si Pope Francis matapos na dalawang araw na ipahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ang Catholic Church ang nararapat na kumuha ng responsibilidad dahil sa kanilang tungkulin na nagpapatakbo ng maraming eskuwelahan.

 
 

ni Lolet Abania | January 31, 2021




Muling bubuksan sa publiko ang tanyag na atraksiyon ng The Vatican Museum at Sistine Chapel sa kabila ng panganib ng coronavirus sa Vatican City.


Matapos ang 88-araw na pagsasara, magbubukas ang The Vatican Museum pati na umano ang Sistine Chapel, ayon sa pamunuan ng museo.


Sa inilabas na ulat, simula Lunes hanggang Sabado, ang mga sikat na landmark ng Vatican City ay bukas sa publiko.


Kinakailangan lamang na magpa-book ng ticket para sa mga interesadong muling makita at bisitahin ang nasabing lugar dahil sa limitadong slots lamang nito.


“The Pope’s Museums await you with pleasure!” base sa statement ng Vatican.


Ayon sa mga curator ng museo, habang pansamantalang nakasara ang The Vatican Museum, sinimulan nila ang pagsasaayos ng gusali, pagpapanatili ng kagandahan ng lugar at maintenance nito. Kabilang din umano ang 15th-century frescoes ng Sistine Chapel.


Bukod dito, nakatakda na ring buksan sa Lunes ang kilalang ancient amphitheatre na Colosseum na nasa Rome Forum, sa Rome.


Gayunman, nagpapatupad pa rin ng lockdown na alas-6:00 ng gabi sa buong Italy, kung saan may mahigit 88,000 nang namatay dahil sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page