top of page
Search

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Sorpresang dinalaw ni Pope Francis nitong Sabado ang mga batang Ukrainian refugees na nadamay sa giyera sa lugar kung saan ginagamot at inaalagaan sa isang pediatric hospital sa Rome.


Isa sa mga larawan na inilabas ng Vatican ay makikitang si Pope Francis habang nakikipag-usap sa isang batang babae na naka-full bandaged ang ulo at tila mayroong tube sa kanyang lalamunan.


Ayon sa Vatican, nasa 19 Ukrainian na mga bata ang kasalukuyang ginagamot sa dalawang sangay ng Bambino Gesu hospital para sa may cancer, neurological conditions o may matinding war injuries dahil sa naganap na pagsabog.


Ani pa Vatican, tinatayang 50 mga bata naman mula sa Ukraine ang ginagamot na sa ospital magmula nang pumutok ang giyera sa naturang bansa.


“The blood and tears of children, the suffering of women and men who are defending their land or fleeing from bombardments shakes our conscience,” pahayag ni Pope Francis sa isang mensahe sa Church conference sa Slovakia.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 19, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 ang top diplomat at adviser to Pope Francis ng Vatican na si Cardinal Pietro Parolin, ayon sa report nitong Martes.


Ang 67-anyos na cardinal na siyang Vatican Secretary of state at pangalawa kay Pope Francis ay kasalukuyang naka-isolate at nakararanas ng mild symptoms, ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni.


Nagpositibo rin si Venezuelan archbishop, Edgar Pena Parra, ang Vatican's deputy secretary of state, pero ito ay asymptomatic, ayon kay Bruni.


Sina Parolin at Parra ay parehong bakunado.


Madalas umanong nakakasama ng Santo Papa si Cardinal Parolin na siyang itinuturing na kanang kamay ni Pope Francis.


Nauna nang ni-require ng Vatican ang mga empleyado nito na magpabakuna kontra-COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | August 30, 2021



Hiniling ni Pope Francis sa mga Kristiyano sa buong mundo na kung maaari ay magdasal at mag-fasting upang hilingin sa Panginoon ang kapayapaan at kaayusan sa Afghanistan.


Sa kanyang mensahe sa mga pilgrims at turista sa St. Peter’s Square para sa kanyang weekly blessing, sinabi ni Pope Francis na siya ay lubos na nag-aalala at nakikiramay sa mga nasawi sa naganap na suicide bombing sa Kabul airport.


"I ask all to continue to help those in need and to pray so that dialogue and solidarity can bring about a peaceful and fraternal coexistence th


at offers hope for the future of the country," saad ng Santo Papa.


"As Christians, this situation commits us. And because of this I appeal to everyone to intensify prayer and carry out fasting, prayer and fasting, prayer and penitence. Now is the time to do it."


Ang naganap na suicide attacks noong Huwebes ay nagdulot ng pagkasawi ng mga Afghan at 13 American troops sa labas ng mga gate ng airport kung saan libu-libo ang nag-aabang na makasama sa flight palabas ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page