ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023
Pinatalsik ni Pope Francis si Obispo Joseph E. Strickland ng Tyler, Texas, ayon sa Vatican nitong Nobyembre 11.
Hindi pangkaraniwan na ang isang obispo ay pinatatalsik ng Santo Papa.
Isa si Strickland sa pinakamahigpit na kritiko ng mga Katolikong Romano sa bansang US at bumatikos sa desisyon ni Pope Francis na maging bukas ang simbahan sa komunidad ng LGBT.
Kontra rin siya sa nangyari sa synod kamakailan kung saan sinikap ng Santo Papa na mas mabigyan ng malaking responsibilidad ang mga layko sa simbahan.
Sinundan ng imbestigasyon ang nangyaring pag-alis sa obispo kasama ang pagsusuri sa kanyang pamamahala sa mga gawaing pinansyal.
Sabay na nag-anunsiyo ang Vatican at U.S. Bishops Conference sa naging desisyon ng Santo Papa.