ni Madel Moratillo | May 26, 2023
Nakapagtala na ng 28 kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 o mas kilala sa tawag na Arcturus ang Department of Health dito sa bansa.
Sa biosurveillance report ng DOH, may 17 bagong kaso ng Arcturus silang natukoy.
Kasama ito sa 199 kaso ng XBB variant na natukoy sa pinakahuling genome sequencing.
Ayon sa DOH, lahat ng XBB na ito ay local cases at natukoy sa halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at BARMM.
May natukoy ding isang kaso ng XBC variant na mula naman sa Davao region.