top of page
Search

ni Lolet Abania | February 8, 2021




Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa House of Representatives ang panukala patungkol sa pagpapalawig ng mandatory immunization program para sa lahat ng edad ngayong Lunes.


Sa botong 206-1-1, aprubado na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang panukalang "Mandatory Immunization Program Act," na pagpapawalang-bisa sa Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Immunization Act of 2011."


Layunin ng bill na mapabuti ang ginagawang pag-iwas at pagpigil ng bansa sa anumang sakit. Nakapaloob sa panukala ang listahan ng mga karamdaman na nakabilang sa national immunization program at ito ay ang mga sumusunod:

• tuberculosis

• diphtheria

• tetanus at pertussis

• poliomyelitis

• measles

• mumps

• rubella o German measles

• hepatitis-B

• H. influenza type B (HIB)

• rotavirus

• Japanese encephalitis

• pneumococcal conjugate vaccine (PCV)

• human papilloma virus (HPV) Kasama rin sa national immunization program ang booster para sa measles, rubella, tetanus, diphtheria (MRTD).


Nakasaad pa sa panukala na may mandato ng pagbibigay ng libreng vaccines sa mga ospital ng gobyerno o pasilidad, anumang pampublikong paaralan o komunidad sa ilalim ng school-based o community-based immunization program at maging sa ilang pribadong health facilities.


May direktiba rin para sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng malawakan at tuluy-tuloy na edukasyon at impormasyon sa kahalagahan ng immunization.


 
 

ni Thea Janica Teh | November 23, 2020




Sisimulan na ngayong Disyembre ang distribusyon ng COVID-19 vaccine sa US habang patuloy na tumataas ang bilang ng kaso rito.


Ayon kay Moncef Slaoui na isang American researcher, plano nito na maipadala ang mga vaccine sa immunization site sa loob ng 24 oras matapos itong aprubahan ng US Food and Drug Administration.


Nakatakdang magmiting ang mga US Food and Drug Administration advisers sa Disyembre 10 upang pag-usapan at mabigyan ng approval ang vaccine na gawa ng Pfizer at Moderna na napag-alamang epektibo na ng 95%.


Nasa 20 milyong residente ng US ang inaasahang mabibigyan ng vaccine ngayong Disyembre at may target na 30 milyon kada buwan. Pagdating ng Mayo, maaaring nasa 70% na ng populasyon sa US ang nabigyan ng vaccine.


Ito na rin umano ang simula na bumalik sa dating buhay ang mga tao bago magkaroon ng COVID-19. Samantala, pinag-iingat pa rin ni Slaoui ang lahat at sinabing "I really hope and look forward to seeing that the level of negative perception of the vaccine decreases and people's acceptance increase. That is going to be critical to help us."


Sa ngayon, hindi pa nasusubukan sa mga bata ang vaccine ngunit, ayon sa mga doktor, sisimulan na ang trial na ito at maaaring mag-umpisa ang pamamahagi ng vaccine sa mga bata sa ikalawang quarter ng taong 2021.


 
 

ni Lolet Abania | October 29, 2020




Nagbabala ang Malacañang sa publiko laban sa mga nagbebenta ng vaccines kontra umano sa COVID-19 na may karampatang parusa para sa mga ito.


Sa naganap na news conference sa Bohol kanina, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mahuhuling nagbebenta ng nasabing bakuna na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ay papatawan ng pagkakakulong.

“Mayroon pong ipinapataw na parusa sa kahit sinong magbebenta ng gamot o bakuna na hindi po aprubado ng FDA. Mayroon pong kulong 'yan, itigil ninyo po 'yan,” sabi ni Roque.


Nag-isyu ng statement si Roque matapos ang naglabasang text messages tungkol sa sinasabi umanong COVID-19 vaccines na ibinebenta na nagkakahalaga ng P50,000 kada isang turok.


Gayundin, noong Martes, ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakatanggap siya ng report na isang establisimyento mula sa Makati City ang nagbebenta umano ng COVID-19 vaccines na may advertisements pang nakasulat sa Chinese.


“We’re continuously monitoring at mukhang mapapadalas po ang ating inspection doon sa facility na 'yun to make sure na hindi po nagbebenta or nag-a-administer ng unregistered na bakuna,” sabi ni Domingo.


Gayunman, patuloy ang paalala ng pamahalaan sa publiko na wala pang nadidiskubreng gamot o bakuna laban sa nakamamatay na sakit na COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page