top of page
Search

ni Lolet Abania | July 14, 2021


Parehong criminally liable ang mga doktor na nagpe-prescribe ng unregistered medicines kabilang ang mga vaccines, at ang importers at sellers ng katulad na hindi rehistradong produkto, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo.


Ito ang naging tugon ni Domingo dalawang araw matapos na ibulgar ni San Juan Representative Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng dalawang doses ng “bootleg” Sinopharm COVID-19 vaccine noong Disyembre, 2020, habang nabigyan din siya ng dalawa pang “booster” shots ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine kasabay ng payo ng kanyang doktor.


“Pareho sila na mayroong kaso, 'yung doktor na nagbigay ng gamot at iyong importer at distributor kasi bawal magpasok ng gamot na hindi rehistrado,” ani Domingo sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules.


Matatandaang noong Pebrero, inaprubahan ng FDA ang compassionate use ng Sinopharm COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nabenepisyuhan. Nitong Hunyo, napagkalooban naman ng FDA ng emergency use authorization ang Sinopharm.


Gayunman, sinabi ni Domingo na ang mga recipients ng unregistered vaccines ay hindi liable sa ilalim ng ating batas. “Sa atin pong batas, wala pong pananagutan ang mga nakabili o nabigyan ng mga substandard, unregistered, falsified o poor quality na gamot,” sabi ni Domingo.


Samantala, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakatanggap ng dalawang doses ng Sinopharm vaccines noong Mayo 3 at Hulyo 12, na ang parehong nag-administer ay si Department of Health Secretary Francisco Duque III.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 7, 2021




Pansamantalang inihinto ng United Kingdom ang clinical trial ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga menor-de-edad upang imbestigahan ang nangyaring ‘blood clot’ sa ilang nabakunahan nito na nasa hustong gulang, ayon sa Oxford University nitong Martes, Abril 6.


Giit pa ng European Medicines Agency head of vaccine strategy na si Marco Cavaleri, “In my opinion, we can say it now it is clear there is a link with the vaccine. But we still do not know what causes this reaction.”


Sa mahigit 18 million doses ng AstraZeneca na naipamahagi, tinatayang 30 sa nabakunahan nito ang nakaranas ng blood clot at 7 ang namatay.


Matatandaang ipinahinto na rin ang vaccination rollout sa ibang bansa hinggil sa nangyaring adverse events.


Sa ngayon ay ubos na ang suplay ng AstraZeneca sa ‘Pinas at pinag-aaralan na ring iturok ang bakunang Sinovac sa mga senior citizens.


Batay sa huling tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 777,908 doses ang naiturok na bakuna kontra COVID-19 sa A priority list


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati ang mga bansang nag-donate ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa COVAX facility upang maging matagumpay ang pagdating ng bakuna sa ‘Pinas kagabi, Marso 4.


Kabilang sa mga bansang binanggit niya ay ang Norway, France, Italy, Spain, The Netherlands, Sweden, Denmark, Belgium, Austria, Greece at Australia. Iginiit din ni Pangulong Duterte na ang hindi nila pagkalimot sa mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas ay maituturing na “plus for humanity”.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang KLM flight mula sa Belgium na naghatid ng 487,200 doses ng AstraZeneca at inaasahang makakatanggap ang bansa ng mahigit 5.5 million hanggang 9.2 million doses nito mula sa COVAX facility ngayong taon.


Ayon naman kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., unang makakatanggap ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang UP-Philippine General Hospital (UP-PGH) at iba pang referral hospitals na naunang pinadalhan ng bakunang Sinovac.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page